IV.Pangako

20 3 10
                                    


Salitang ang daling bigkasin,
Ang hirap gawin
Katagang ang sarap pakinggan,
Ang hirap paniwalaan.

Mga binitawang pangako nasaan na?
Bakit biglang naglaho?
Hanggang kailan maghihintay?
Tutuparin mo pa ba ang mga binitawang salita?

Huwag kang mangako,
Kasi may taong umaasa sa binitawang pangako.
Hanggang kailan dadamdamin?
Hanggang kailan magtitiis?

Heto ako patuloy na kumakapit,
Dahil lang sa binitawan mong matatamis na salita.
Na nauwi lang sa wala,
Pangakong kailanman ay hindi na matutupad pa.

Heto ako ngayon sa isang tabi,
Nagmumukmok,nag-iisip kung ano ba ang dapat gawin.
Ang patuloy na umasa,
O palayain ang sarili sa sakit na nadarama.

Sa mga katulad kong may pinanghahawakang salita,
Ano ang nararapat nating gawin?
Masakit kasi hindi ko alam kung makakaya ko pa,
Kaya nagdesisiyon akong bumitaw na lang at palayain ang sarili sa sakit na nadaram.

AnguishWhere stories live. Discover now