V.Mahal Ko

20 4 10
                                    

Ang makilala ka ang pinakamasayang nangyari sa buhay ko,
Pero ang sakit na dulot mo ang siyang hindi ko inaasahan.
Saan ako nagkamali mahal ko?
Bakit nakuha mong saktan ang puso ko?

Mali ba ang mahalin ka?
O mas tamang itanong sa aking sarili na tama bang mahalin ka?
Nagkamali ba ako sa desisyon kong ipaubaya sayo ang puso ko?
Bakit biglang naglaho ang pagmamahalang nabuo?

Maraming nagtatanong sa akin,
Kung bakit ko minahal ang isang tulad mo.
Ang sagot ko hindi ko alam kung bakit nga ba kita minahal ng labis,
Ang hatid na dulot mo ay pait at pighati.

Inaamin ko naging tanga ako,
Naging tanga dahil sa labis na pagmamahal sayo,
Pero ano ang kapalit sa lahat ng ginawa ko?
Bakit sakit ang ibinalik mo?

Nasaan na yong panahong mahal nating ang isa't isa?
Nagkulang ba ako?
Nagkamali ba ako?
Bakit mo ako iniwan mahal ko?

Hindi ko tanggap na wala na,
Paano ko tatanggapin?
Walang sapat na dahilan kung bakit mo ako iniwan,
Nangangapa pa rin sa dilim ng kasagutan.

Masaya ka na ba?
Masaya ka ba sa piling niya?
Siguro nga ay masaya ka kasi nakuha mo akong ipagpalit sa kanya,
Wala na ba akong magagawa?

Sa mga katulad kong nagmahal,
Mahalin ang higit kanino man.
Dahil sa bandang huli,
Tayo lang ang magmamahal sa ating sarili.

Heto ang huling mensahe ko para sayo mahal ko,
Tandaan mo mahal kita.
Mahal na mahal na handa akong gawin lahat para sumaya ka,
Kaya mahal ko malaya ka na pinapalaya na kita.

AnguishWhere stories live. Discover now