XII.Alaala

6 4 12
                                    

Mga alaalang nag daan
Kay sarap balik-balikan
Alaala ng kahapon
Parang kailan lang

Naalala mo pa ba ang kahapon?
Noong tayo ay masaya pa
Nagkakaunawaan,
Walang problemang di nasosolusyunan

Mag away man ay ating naayos din
Pagsasamahang kay tibay
Nasaan na?
Anong nangyari? Bakit nawala?

Lumipas na ang panahon
Alaala mo'y dala-dala pa rin
Sakit na iyong dulot
Ay namumutawi pa rin

Ayon nga sa kantang aking narinig
"Alaala mo sakin ay gumugulo bakit di na lang pawiin ang hapdi sa aking puso"
Pinilit kong kalimutan
Bakit di magawa?

Buti ka pa masaya na
Samantalang ako naiwan sa nakaraan
Hindi makaabante
Masaya akong nakikita kitang masaya kahit na sakit ang dulot neto

Kay sakit isipin na ang kahapon natin ay di na pwedeng maulit pa
Dahil wala ng tayo
Hindi na maibabalik ang salitang tayo

May isa sana akong kahilingan
Kung iyong mararapatin
Mga alaalang pinagsaluhan ay wag kalilimutan
Ang nakaraan natin ay isang alaala na lang

AnguishWhere stories live. Discover now