Maguumpisa ako sa simula,
Hindi ko inaakala na para sayo ang aking itutula,
Hindi ko alam kung paano itatala,
Mga sakit na sayo nagmula.Ano nga ba kasi ang pwesto ko?
Ano nga ba ang isang tulad ko sa iyo?
Siguro hindi talaga tayo,
Pero teka, nagkakamali na ata ako,
Kailanman, saanman, hindi nagkaroon ng salitang tayo.
Ang Tayo kasi pang-dalawang tao,
Pero sa storya pala na to mayroon lang ako na nagmamahal sayo.Oo mahal, merong Ako,
Mayroong ako na sasalo sayo,
Mayroong ako kapag tinalikuran ka na ng mundo,
At lalong merong ako na kayang maghintay para sayo.Ano nga ba ang meron ako?
Kahit isa ay wala akong nakuhang Titulo,
Walang Titulo na magpapatunay na sayo ako,
Titulo para malaman mo na mayroong ako,
Titulo na naglalaman ng iyong Puso.Mahal, banggitin mo naman ang aking pangalan,
Sabihin mo namang ako ay iyong kailangan,
Mahal, hindi ko na ipagkakaila ang nararamdaman,
Sa iyo ako ay may inaabangan.Mahal, walang tayo.
Papalayain ko na ang sarili ko,
Palalayain sa pag-asang ibinigay mo,
Pag-asang ikaw mismo ang gumulo.Owned by:
Miel💕