Hindi ko mawari kung bakit sa tuwing pipikit ako ay mukha mo ang nakikita ko.
Hindi ka naman gwapo, maputi o katangkaran man lang, wala talaga sayo ang tipo ng lalaking magugustuhan ko.
Pero bakit sa tuwing lalapit ka ay napapatigil ako sa ginagawa ko?
Hindi ko alam pero interesado ako sa lahat ng patungkol sayo.Sa totoo lang ay madalas tayong hindi magkasundo,
May mga oras na halos isumpa na kita at ipukpok sabato ang iyong bungo,
Sa kabila ng pangi-insulto mo ay yung mga oras na babawi ka at pangingitiin ako ng hindi ayon sa plano ko.Owned By:
Miel💞