12. NAIWAN

84 1 0
                                    

Ang tula kong ito'y alay ko sayo mahal
Kahit na anim na buwan lang tayo nagtagal
Maraming pangako ang narinig ko mula sayo
Pati ang pangako kong hindi tayo aabot sa ganto
Naghinala ka sakin na ako'y nagloloko
Kahit alam mong ikaw lang ang tinitibok nito
Masakit isipin na wala na tayo ngayon,
Pero wala akong magawa kasi ikaw na ang nagdesisyon
Pinilit natin ayusin ang lahat ng away
Lahat napag uusapan pagdating sa bahay
Pero ngayon dalawang buwan na tayong wala
Kaya ang buhay ko'y parang napariwara
Alak ang naging sagot sa sakit na iniwan
Pero di kapa din malimot dahil lagi kang nasaking isipan
Gusto ko man bunalik pero ako'y natatakot
Na baka imbes maging masaya ay maging malungkot
Kaya sa alak ko hinanap ang sagot
Pero di parin kita malimot-limot
Masakit isipin pero kailangang tanggapin
Na ang IKAW at AKO ay ala-ala nalang satin
Ito na ang huli na ako'y magdadrama
Dahil masakit man sakin, ay alam kong may iba kana
Pero babe mahal padin kita yan ang laging tandaan.
Na nung nawala ka ay nawala narin ang liwanag sa daan.

Owned by:
MJ

Tula ng Pag-IbigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon