Matatawag ba akong baliw,
Kapag sa lalaki'y sinambit,
Lalaking nagbibigay aliw,
Sa puso kong puno ng sakit.Mga titig mong malambing,
Mga salitang nagpapahimbing,
Lalaking aking hiling,
Lalaking nagpabilog sa akin na parang sing sing.Panaginip na kasing sarap ng tagumpay,
Baka pwede namang ika'y sumubaybay,
Sa pangarap na ayaw kong mawalay,
Ayaw kong bitawan sa aking mga kamay.Wala namang karapatan,
Walang karapatang ako'y iyong saktan,
Wala rin naman akong karapatang iwan,
Sa kabila ng ating pinagsamahan.Walang krapatabg masaktan,
Wala kang karapatan sa aki'y iparamdam,
Pagmamahal na sa una'y naramdaman,
Ngunit sa huli'y iyo nang winakasan.Pag-ibig na ka'y bilis dumating,
Parang ilaw sa gabing madilim.Hindi ka man kasing-gwapo nila,
Wala ka mang labing mapula,
Wala nang hihigit pa,
Sa pag-ibig na muntik mo nang ipadama.Muntik, dahil wala namang halaga para sayo,
Walang halaga kaya pinasamaha'y ibinasura mo,
Mga ala-ala'y kinalimutan mo,
Pati na ang isang katulad ko.Paalam na sa huling pagkakataon,
Susubukan kong makaahon,
Tatanggalin ang mga nakabaon,
Mga ala-ala na natabunan na ng mahabang panahon.Owned by:
Miel💕