25. Kuya

38 1 0
                                    

Kuya gusto ko non, gusto ko niyan.
Gusto ko siya pero iba ang gusto niya.
Kuya ang sakit ng kinalabasan.
Ang sakit sa pusong makita siyang sa iba'y masaya.

Kuya, laro tayo doon.
Sana laro nalang para may katapusan.
Ayoko nang makipag habulan,
Gusto ko sabay tayong tatalon.

Hindi pwede, dito ka lang.
Ikulong ako sa nakaraan,
Walang pwedeng makaalam,
Hindi mo lang alam pero sa puso ko ikaw ang laman.

Hindi ka maganda,
Biro lang kamukha ka talaga ni Mama.
Amg sarap sigurong makasama kang muli,
Yung tipong walang hiwalayan hanggang sa huli.

Hindi ko alam pero hindi talaga tugma,
Wala na akong maisip na salita,
Bigyan ako ng isandaang patak ng luha,
Kahit masakit basta alam kong kahit minsan ako'y tumaya sa larong walang kasiguraduhan ang isinakripisyo't itinaya.

Owned by:
MIEL💕

Tula ng Pag-IbigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon