13. PAGKAKAIBIGANG WINAKASAN, PAGKAKAIBIGANG TINULDUKAN

75 1 0
                                    

Hayaan mong ilahad ko
Kung paano nagkaroon ng mga tala sa kalangitan
Kung paano nagkaroon ng mga alon sa karagatan
Kung paano nagkaroon ng mga bato sa kalupaan
Kung paano nagkaroon ng tayo sa mata ng sambayanan
At kung paano nawala ang tayo dahil sa matalik kong kaibigan

Eto na, ilalahad ko na
Ang kuwento nating dalawa
Mali
Ang kuwento niyong dalawa
Ang kuwento na bumuo sa isang pelikula 
Na sa pag aakala kong ako ang bida
Pero hindi pala, hindi pala ako ang bidang artista
Kundi siya, at kayong dalawa
Kayong dalawa na laman ng bawat pahina
Kayong dalawa na laman ng bawat eksena

Nang sinabi mo sa aking mahal kita
Ang naging tugon ko ay mahal na rin kita
Doon na nagsimula ang inaakala kong istorya nating dalawa
Pero mali ako sinta
Dahil sa pagsisimula ng pelikula nating dalawa
Ay nagsimula na rin pala ang kuwento niyong dalawa

Naaalala ko pa mga araw na lagi tayong magkasama
Nagtatawanan at tila walang problema 
Masayang masaya sa piling ng bawat isa

Ang mga pangakong iyong binitiwan
Ay inakala kong kaya mong panindigan 
Pero nagkamali ako, nang malaman ko ang totoo
Na siya na pala ang mahal mo at hindi na ako
Ngunit ang mas masakit ay pareho niyo akong niloko
Nang malaman kong mahal ka na rin pala ng kaibigan ko
At ang katotohanang nagliligawan na kayo, kahit meron pang tayo

Ngunit mas lalong nawasak ang puso ko dahil sa mga salitang binitiwan mo
Na kahit kailan ay di mo minahal ang isang tulad ko
Na kahit kailan ay di mo ko ginusto
Ngunit ang pinakamasakit na narinig ko mula sayo 
Ay ang mga katagang,"Ginamit lang kita, para mapalapit sa kaibigan mo, na ginamit lang kita para tumaas ang grado ko, at para pumasa ako"
Gusto ko ng maglaho sa harapan mo
Gusto kitang sampalin dahil sa sakit ng sinabi mo
Pero di ko nagawa kasi naduwag ako
Naduwag ako sa katotohanang pinaglaruan at ginamit mo lang ako

Ang sakit isipin na dumating ka lang para saktan ako
Na dumating ka lang para wasakin ang puso ko
Na dumating ka lang para gamitin akong tulay papunta sa kaibigan ko

Dalawa
Dalawang samahan, ang nawasak ng tuluyan
Pagkakaibigang winakasan
Pagkakaibigang tinuldukan

Owned by:
Rain Blyn

Tula ng Pag-IbigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon