8. CLASSMATE

153 2 0
                                    

Magandang umaga,
Halos araw-araw kung batiin ko sila,
Pero bakit pagdating sayo'y tumitiklop na?
Ganon ba kalakas ang iyong pamana?

Ilang Araw, Linggo, Buwan, o Taon na ata,
Nang nagsimula pag-ibig kong tinatago,
Araw-araw kung ika'y makita,
Aantaykn ko ang araw na magiging tayo.

Pangarap nalang ata lahat,
Parang istorya, hanggang pamagat nalang ata,
Wala ng mauumpisahan dahil umpisa pa lang tapos na ang lahat.

Hindi ko maamin, ganon ka ba kamanhid?
Halos araw-araw akong nagmamasid,
Nagbabakasali baka mapadpad ang mata mo sa aking gilid.

Balang araw, balang araw sana maamin ko sayo,
Balang araw sana pati ikaw may tinatago,
Balang araw sana masabi mo,
"Ikaw lang ang laman ng aking Puso".

Hindi na aasa, magiintay nalang muna,
Hindi magmamadali hanggang sulyap nalang muna,
Hindi magagalit na hanggang sulyap nalang kita,
Dahil alam ko balang araw, kung tayo, tayo talaga.

Mahal, wala nang intro-intro,
Mahal kita at iyon ay totoo,
Gagayahin ko nalang muna ang mga rhyms ni Sinio,
Baka kausapin mo rin ako.

Okay lang na hanggang Classmate nalang muna,
Tapos magiging Soulmate na,
Imposible ba? Tiwala lang aabot tayo diyan.

Aantayin kita, hanggang kaya ko pa.

Naniniwala ako, tayong dalawa'y pinagtagpo.
Naniniwala ako balang araw yayakapin mo rin ako,
Sasabihin mo,
"Mahal, hindi ko kayang sa tabi ko ika'y mawala."

Kung panaginip lamg yon para sayo,
Papatunayan ko na mangyayari yon, yung balang araw magkakaroon ng Tayo,

Kaya JBS,
Pansinin mo naman pag-ibig ko para sayo.
Di na ako makatatagal sa pagtatago,
Balang araw baka ako na ang lumapit sayo.

JBS, pwede ba pansinin mo naman ako?
Pwede ba kausapin mo rin ako?
Tulad ng ginagawa mo,
Sa ibang classmate mo.

Classmate na nga kita hindi mo pa ako makita?
Classmate mo na nga ako hindi mo pa ako mapatawa,
Gamitin mo Jokes mo sakin,
Promise kahit boring yan tatawanan ko!

Aantayin kita,
Kahit gaano katagal,
Pagkakatiwala nalang kita sa may kapal,
Alam ko mas maganda ang istorya nating dalawa kapag pinagkatiwala kita sa kanya,
Kaya Mahal, hanggang tingin at stalk nalang muna ako ah?
Kapag dumating ang araw na malaman mo kung sino ako,
Wag lang lalayo.
Baka kasi hindi ko kayanin at tumigil ako sa pangarap kong ito.

Owned by:
Miel💕

Tula ng Pag-IbigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon