4. WALA NA

147 1 0
                                    

Ayun na nga,
Bigla ka nalang nawala,
Walang paalam,
Walang kahit anong salita,
Biglang nawala,
Naglaho na parang bula,
Pag-ibig na inasam,
Mauuwi rin pala sa Wala,
Wala.
Walang hihigit pa,
Sa basag kong puso na ngayon nagsimula,
Parang saya na mayroon tayo noon,
Saya na hindi na maibabalik ano man ang panahon,
Mga ala-ala na maitatago na sa loob ng mga dadaang Taon.
Kay bilis ng iyong pag-alis,
Parang sugat sa puso ko'y dumaplis,
Puso na pintig ay napakabilis.
Walang umpisa,
Dahil una pa lang ako'y umasa na.
Akala ko ayun na,
Hindi pala,
May kulang pa rin pala,
Yon yung pag-ibig na meron ako at wala ka.
Pag-ibig na pang-dalawang Tao lang,
Pagmamahal na hindi aabot sa katulad kong Mangmang.
Walang itinira sa sarili,
Pati puso ko sayo'y ikinubli,
Iingatan mo sanang mabuti,
Pagka't buhay ko'y sayo pa rin nakapasubali.

Owned by:
Miel💕

Tula ng Pag-IbigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon