Ito na ang simula,
Simula ng pagtatapos sa wala,
Walang dahilan para maniwala,
Iiyakan nalang ulit at idadaan sa tula.Walang sali-salita,
Isusulat ang sakit na dulot ng iyong panata,
Tahimik na nagmamasid sa nagsilbing tala,
Tala na hindi namalayang naglalaho na parang bula.Masaya sa umpisa,
Ganon naman kasi talaga kapag kayo'y nag-isa,
Akala mo hanggang dulo kayo,
Pero yung totoo kapag tumagal ang isa ay malalayo.Masakit tanggapin ang katotohanan,
Katotohanan na ang pag-ibig niyo'y walang pinatunguhan,
Magiging tanga kapag sa iba mo pa nalaman,
Nalamang ang puso niya'y hindi na ikaw ang laman.Owned by:
MIEL💕