14. KAYA KO PA

86 1 0
                                    

KAYA KO PA,
KAYA KO PANG MAKITA KA NA MASAYA SA PILING NG IBA,
YUNG TIPONG MASAYA KA KAPAG KASAMA MO SIYA,
MASAYA KA KAPAG NAKAKAUSAP MO SIYA, KAYA KO PA.

Kaya ko pa,
Kaya ko pang makita na magkasama kayong dalawa,
Yung tipong mahigpit ang hawak ninyo sa isa't isa,
Magkasama kayo sa hirap at ginhawa, Kaya ko pa.

Kaya ko pa,
Kaya ko pang tiisin ang sakit kahit puso ko'y durog na,
Yung tipong kapag nakikita kita,
Di ko maiwasan pero pipiliin kong pumikit dahil masakit na, kaya ko pa.

Kaya ko pa,
Kaya ko pang antayin ka,
Yung tipong kahit wala na akong pag-asa,
Tuloy pa rin dahil alam kong sa dulo nito ay walang humpay na saya kasama ka, Kaya ko pa.

Kaya ko pa,
Kakayanin ko para sayo,
Aantayin kita,
Kahit na kunin pa ng kamatayan ang buhay ko, Kaya ko pa.

Ang tanong ko lang.
Gusto mo ba?
Gusto mo bang ako'y maging masaya kapag may kasama kang iba?
Gusto mo ba akong lumaban kahit alam kong wala nang pag-asa?
Gusto mo bang antayin kita kahit puso ko'y durog na durog na? Gusto mo ba?

Wag kang mag-alala alam ko na ang sagot,
Wag ka nang tumutol alam kong gusto mo na akong maka-limot,
Wag kang mag-alala kakayanin ko ang lungkot.

Mananatili sa puso ko ang pangalan mo,
Wag kang mag-alala ako'y nasa tabi mo,
Nasa tabi mo kahit hindi ka na kasama hanggang dulo.

Kakayanin ko dahil Kaya ko pa.

Owned by:
Miel💕

Tula ng Pag-IbigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon