Ano bang nagawa ko't nasaktan ako ng ganito?
Nagmahal lang naman ako,
Binigay ang isang daang porsiyento ng puso ko sayo,
Kahit alam kong hindi naman totoo ang nararamdaman mo.Isa, dalawa, tatlo, apat, sandali, di ko na ata mabilang,
Ilang beses na ba ako nalinlang?
Pusong dati'y bato ngayon isa nang walang alam,
Hindi ko naman maipagkakaila, ako ay isa sa mga nasaktan na parang timang dahil di ko siya malimutan.Ilang beses na bga ba talaga?
Teka, di ko mabibilang kasi wala naman talaga,
Ako lamg to si tanga, hinawakan lang akala mo gusto ka na,
Masakit, oo masakit, sino ba namang hindi masasaktan kung umasa ka kahit alam mong ganon din siya sa iba.Ang mahirap naman kasi, kaunting tingin, ngiti kahit sulyap sa'yong mga labi akala mo ayun na.
Akala mo, siya na.
Akala mo, mahal ka niya,
Pero yung totoo? Iiwan ka lang niya sa ere, ikaw ngayon tong parang ibong nawalan ng pakpak, bumagsak sa lupa dahil di niya magawang saluhin ka, kaya sunod sunod na pumatak ang mga luha.Marupok nga namang talaga,
Maikukumpara sa kahoy na naiwan sa tubig nakasisid ang pusong nilabas sa hawla,
Hawla na nagsasabing wala kang pag-asa,
Tanga ka kapag nahulog ka sa taong mahilig magbigay ng pag-asa perp sa huli iiwan ka.Ganon talaga kapag marupok ka,
Akala nila malakas ka,
Sino ba naman kasing magaakala na mahina ka, e ilang tao na ba ang nagpaiyak sayo?
Ilang tao na ba ang nangako sayo?
Ilang tao na ba ang nagsabing mananatili sila sa tabi mo,
Kahit na magbago ang ugali mo,
Sino nga ba? Tanga. Wala, dun mo maiisip na magisa ka lang talaga.Wala e, marupok, mahina, hindi kayang lumaban,
Kumapit masyado sa pangakong hindi ka niya iiwan,
Pero eto ako ngayon, mag-isa, nakatulala, hindi kayang tumayo sa sariling paa,
Kasi wala na, naubusan na ng lakas para ilaban ang taong umpisa pa lang bumitaw na.Owned by:
MIEL💕