Uumpisahan natin kung saan nagumpisa,
Nagmahal, Nasaktan, Umasa.
Umasa sa iyong mga salita,
Umasa na may patutunguhan tayong dalawa.Sa una'y iyong pinaramdam,
Pagmamahal na inaasam-asam,
Akala ko ako'y sapat na,
May kulang pa rin pala.Mahal, huwag kang mag-alala,
Sapagkat itong nararamdaman ang una nang pinuna,
Sapat na nga ba ang aking pamamahala,
Para puso mo'y akin nang makuha.Teja, masyado na atang naging mahaba,
Gusto ko lang namang maipakita,
Aking kasiyahan,
Na iyo nang winakasan.Kaya mahal, ako'y titigil na,
Titigil na sa pagiging assumera,
Titigil na kakaasa,
Sa iyong mga salitang mala-idyoma.
Titigil na sa kaaaksaya,
Sa mga oras na ako lang ang nakakapuna,
Sa mga bagay na ako lang ang nakakapansin,
Sa mga bagay na pilit kong hahamakin,
Siguro nga'y titigil na,
Titigil na kakaasa na ako'y mapapasama,
Mapapasama sa mundong iyong ginagalawan,
Mundong pilit kong inaasam.Saan nga ba nagkamali?
Bakit ako'y hindi mo pinili?
Puso ko ngayo'y humapdi,
Sa mga bagay na ako mismo ang pumili.Mahal, walang tayo.
Papalayain ko na ang sarili ko,
Palalayain sa pag-asang ibinigay mo,
Pag-asang ikaw mismo ang gumulo.Mahal, sa kahuli-hulihang talata,
Gusto ko lang ipakita,
Pagmamahal na higit pa sa salita,
Pagmamahal ng taong nagngangalang, *insert your name*Owned by:
Miel💕