Para to sa mga taong mahal nila ang isat isa pero bawal ng maging sila
Mahal kita.
sinasabi mo yan noong tayo'y ok pa
Mahal kita.
pinaramdam mo sa akin yan noong tayo'y nasa simula pa
Mahal kita.
pinahawak mo sa akin yan noong matatag pa
pero mahal bigla kang nag iba, tila nanlalamig na
lumiko ka sa ibang daanan iniwan mo akong nag iisa
daladala mo ang salitang mahal kita, na pinalitan ng bahala ka
Bahala ka, kaya eto umaasa ako na babalik kapa
inikot ko pabalik ang orasan para bumalik sa simula
pero walang nag bago dahil ikaw ay tuluyan ng nawala
nawala ng dahil sa pagiging tamang hinala
pilit kong inalam kung saan ng gagaling ang hapdi
Hapdi na hanggang ngayo'y hindi mapawi
ipinikit ko ang aking mga mata dahan dahan inalala ang sanhi
sanhi kung bakit ako kumawala
kumawala sa taong ayaw akong mawala
mahal nariyan na naman ang mga luha sa aking mga mata
mga matang ayaw ng lumingon sa lumipas
dahil sa lumipas ika'y aking nasaktan
at ngayoy natatakot na muling masaktan pa
mahal, lalakad nalang ako papalayo
papalayo sayo kahit mahal na mahal na mahal na mahal pa rin kita
mahal, doon nalang tayo sa mag kabilang dulo
na nais mong maging mag kaibigan nalang ang dating tayo
sige na, bumitaw na tayo
mahal kita pero takot na rin akotakot ako na madurog ko ulit yang puso mo
dahil alam kong kahit sinabi mong mahal kita
ang ibig sabihin nun ay minahal lang kita
MAHAL KITA OO IKAW, IKAW NA NAKAUPO SA SILANG YAN KUNG SAAN NAG SIMULANG MAG KAROON NG TAYO.
na ngayo'y pinipilit nating ibalik sa pagiging mag kaibigan ang dating tayo
mahal pakiusap ayoko ng bumalik sa dating tayo na inakala ko'y totoo
dahil nag aantay pa rin akoong dumating ang bagong tayo na totoo at hanggang dulo
noong ginawa ko ang tulang ito Hulyo 22 alas dos gis ng madaling araw isang normal na araw para sa isang tao ay ang araw ng anniversaryo ng dating tayo
Owned by:
JCM