Balang araw wala nang mararamdaman,
Balang araw hindi na mararamdaman,
Balang araw hindi na pagmamasdan,
Mga ngiti mong nagsilbi kong kalawakan.Siguro hindi talaga tayo,
Pero teka, nagkakamali na ata ako,
Kailanman, saanman, hindi nagkaroon ng salitang tayo.
Ang Tayo kasi pang-dalawang tao,
Pero sa storya pala na to mayroon lang ako na nagmamahal sayo.Hindi na ako aasa,
Mawawala din to, kailangan ko lang ang iyong tiwala,
Tiwala mo na balang araw mawawala to,
Mawawala yung nararamdaman ko para sayo.Ang tanga ko kasi,
Ayaw mo nga pala sa drama,
Ayaw mo nga pala sa mga mabubulaklak na salita,
Wag kang magalala hindi na uulitin pa.Sana kapag dumating yung oras na makita mo ako,
Kapag nakita mo yung halaga ng isang tulad ko,
Sana lang nandyan pa din ako para saluhin ang mga salita mo,
Baka kasi sa sobrang sakit ng nadarama ko pati puso ko makuha mo na ng buo,
Ay! Mali! Matagal mo na nga palang nakuha to.
Kaso bakit ibabalik mo na nga lang yung durog na durog pa?HAHAHAHAHA!
Nakakatawa naman kasing talaga,
Ako yung babae pero ako yung nageeffort para makuha ang ngiti at sulyap mo,
Wag kang magalala ititigil ko na to.
Sasabihin ko nalang kay Lord na pasayahin ka ng babaeng nililigawan mo,
Oo masakit pero ano ba ako para pansinin mo?
Ano ba ako para makuha ang mga ngiti mo?Mahal, sa mga oras na sinusulat ko to,
Nakapagpasya na ako,
Siguro babalik nalang ako sa dating ako,
Wag mo sanang sisihin ang sarili mo,
Kasi ginusto ko naman lahat to,
Kung masaktan man ako ginusto ko din to,
Kasalanan ko Oo.Wag mong iisipin na dahil sayo kaya ako magbabago,
Dahil sayo kaya naging makulay ulit yung mundo ko,
Oo mahal, sa maikling panahon nakuha mo ng ganong kabilis ang puso ko,
Yung tipong wala na akong pakialam sa sarili ko,
Kasi buong atensyon, puso at isip ko nasa iyo.Hindi ko to ipapabasa sayo,
Alam ko malalaman mong ako to yung babaeng mataba na maitim na kaklase mo,
Oo mahal, ako to.Sana malaman mo na yung tinatago ko,
Hindi na ako mahihiyang sabihin sayo,
Kasi alam ko kapag nalaman mong ikaw to lalayuan mo na ako,
Okay na ako kapag nangyari ang bagay na yon,
Kasi nawala na ang nararamdaman ko para sayo dahil sa aking opinyon.Mahal ang sakit pala no?Ang sakit kasi kailangan kitang kalimutan kahit wala namang dapat kalimutan. Hindi na to tula, mensahe ko na to para sayo. Gusto ko lang malaman mo na titigil na ako, hindi ako sumuko, huminto lang ako, pero kung babalik ka sana maaga pa, maaga pa para mahalin at suklian kita. Tawagin mo na akong assumera dahil binibigyan ko ng ibig sabihin pati mga simpleng tingin mo. Tignan mo baka kapag nabasa mo to itigil mo na titulo palang. Ano ba naman kasi ako? Ano ba naman kasi tong nararamdaman ko para sayo? Tama na Mahal, awat na. Ayoko na, tigil na muna. Ball is Life ka na ulit tapos ako Black and White Life nalang ulit. Wag kang magalala hindi kita ipagpapalit, lalapit lang ako kay Lord, siya nalamg muna para hindi na ako aasa, siya nalang muna para hindi na masaktan Pa, wag kang magalala, huling mensahe ko naman na to para sayo, sana basahin mo. Hindi na kasi ako makakatagal kasi baka kapag tumagal pa hindi na kita mapakawalan, sobrang drama na ba? Sorry ah? Minahal ka lang kasi ng higit pa sa sobra.
Owned by:
Miel💕