Chapter 1
Georgina Agoncillo's POV
"Kpop Boy Band na SHINee namataan sa isang university sa Pilipinas" sabi ng news anchor sa tv.
"OMYGOD!!" Sigaw ni ate habang niyuyug-yog ang balikat ko.
"Georgina, Did you hear that?? Yung SHINee nasa Philippines, buti naman andito na sila" Tuwang-tuwang sabi sa akin ni ate.
"Naku ate! Tigil-tigilan mo ako sa kpop-kpop na yan" Iritado kong sabi.
Si Ate Gail talaga basta kpop magaling mabuti na lang at hindi siya bumabagsak sa klase nya.
"Paano kasi hindi mo alam ang buhay ng isang fangirl. Puro ka kasi aral" Sagot sa akin ni ate.
"Naghahanda lang ako kasi yung isa dyan imbis na business ang kuhaning course ay communication arts kaya ngayon ako ang nagdudusa" Nagpakawala ako ng malalim na hininga sa pag sabi ko noon.
I sacrifice my passion in music just to be a business management student. Ako na lang ang magmamana ng kompanya dahil nga sa ayaw ni ate.
"Alam mo kasi Georgina, kaya nga may tinatawag tayo na 'free will' diba? To choose what we want pero kasi ikaw you sacrifice your love for music just to make our parents happy" mahinahong sabi niate sa akin.
"Bilib ako iyo lil' sis masyado kang masunurin kila mama" dagdag ni ate sabay hawak sa mga kamay ko na nasa lamesa.
Habang hawak-hawak ang kutsara ay nilipat ni ate ang chanel ng tv.
"Channel M' utos nya
May voice command kasi ang tv namin. At as usual kpop channel iyon
"Ang aga-aga talaga ate!" sabi ko na may iritadong boses.
"What!?" maarteng tanong nya.
Ngumuso ako sa tv namin.
"Channel M itong pinapanuod ko sis" sabi nya
"You know my thing naman eh!' dagdag nya pa.
Tumingin ako sa digital clock namin at nakita kong malapit na mag 8 which means malapit na akong malate.
"Whatever ate, sige titigan mo lang yang tv at wag kang kumain. Dapat kasi di ko na sinabi kay mama na magdagdag ng tv sa dining area dahil sigurado di ka makakakain ng maayos" sarcastic kong sabi.
"Lil' sis mauna ka na lang tutal may sasakyan ka naman. If nagmamadali ka don't mind me. 10 am pa ang first class ko" sabi ni ate.
Binilisan ko na ang kain ko at nagtoothbrush
"Bye ate! Pakilock yung pintuan mamaya, okay?" pasigaw kong sabi kay ate papunta na kasi ako sa garahe para ilabas ang kotse ko.
"Ingat ka Georgina. Bye. Love you!!" Pabalik na sigaw sa akin ni ate.
Nilabas ko ang remote ng gate ng bahay para malabas ko ang kotse ko. After that pinindot ko uli ang remote para masara ito.
BINABASA MO ANG
My Famous Classmates (Shinee fanfic) (Editing)
FanfictionAng SHINee ay isang kilalang boy group sa korea at susubukan nilang magpa-ibig ng isang dalaga na walang kaalam alam kung sino sila. magawa kaya nila ang misyon nila?? O may mahuhulog ang damdamin para sa dalaga