Chapter 36: Ready Or Not

182 4 0
                                    

Chapter 36: Ready Or Not
Georgina's POV

Ilang linggo na akong kinukulit ni minho. Lagi syang nasa bahay at wagas makipag feeling close sa akin. Si ate naman laging nagdedate kasama si Jonghyun. Sila mama naman nasa trabaho. Ewan pero tingin ko talagang plinano nila ito.

"Gutom ka na??" Tanong nya

Umiling naman ako bilang sagot. Tumayo naman sya at pumunta sa kusina. Mukhang magluluto sya. Ano naman kaya??

"Wag ka nang magluto busog pa ako" sigaw ko.

"Hindi naman para sa iyo to eh!! Para sa akin to" sigaw nya.

"Edi Wow" sagot kong sarkastiko.

Ilang minuto din syang nagtagal sa kusina paglabas nya nagulat na lang ako na may dala dala syang bowl na may sabaw na umuusok.

"Ano yan??" Tanong ko sa kanya.

Di niya ako pinansin kumain lang sya na tila iniinggit ako.

"Oy ano nga kasi yan??" Tanong ko uli.

"Mwo?? (What??)" Sabi nya.

Tae kinokorean na naman ako nito. Nakalimutan ko na yung mga tinuro nila sa akin.

"ANO BA KASI!! DI MO BA AKO PAPANSININ AH!? BUSET TO!!" Sigaw ko sa kanya at maglalakad palayo sa kanya ng bigla syang tumawa ng napakalakas.

"OH TIGNAN MO YAN!! TATAWA TAWA KA. DI MO BA ALAM GALIT NA AKO!? MANHID KA NA BA NGAYON!? NGAYON NA NGA LANG TAYO MAKAKAPAG-USAP PERO ANO... PURO KAIN YANG GINAGAWA MO!! TAPOS ANG NAKAKATUWA PA DUN IKAW ANG BISITA SA BAHAY NA DAPAT PINAGSISILBIHAN PERO WALA... WALA KANG KAHIYA-HIYA DI MO MAN LANG AK---"

Di ko na natuloy dahil lumapit sya sa akin at ako naman umaatras. Nakangisi lang sya at tila inaasar ako. Nag-iba na talaga ng ugali tong isang to.

"So kaya ka nagagalit kasi hindi kita binigyan nitong ramen??" Tanong nya. Habang papalapit ng papalapit sa akin.

Di ako makasagot. Napakabilis ng tibok ng puso ko tila kabado sa kung anong gagawin nya. Hanggang sa nalaman kong pader na ang kasunod ko at ibig sabihin nun ay na-corner na ako.

"Ah...eh.. sorry sa sinabi ko kanina" Kabado kong sabi sa kanya.

Lumapit lalo sya na para bang gusto nya ng halik. Kaunti na lang ang pagitan ng aming mga mukha at ako naman ay pumikit na lang. Hinintay kong magtama ang aming mga labi pero hindi. Nakaramdam lang ako ng kamay sa aking likod. Niyakap nya ako.

"I really miss you" sabi nya.

"Ako din naman kaya" sabi ko.

"HAHAHAHAHAHAHAHA"Tawa nya ng malakas.

Kumunot agad ang aking noo. Nakayakap pa rin sya sa akin pero tingin ko nakikita nya pa rin ako.

"Aminin mo akala mo ikikiss kita kanina no??" Tanong nyang mapang-asar.

Naramdaman ko ang hiya sa aking sarili at pinilit na kumalas sa yakap.

"Don't, can we just stay like this for a while??" Pakiusap nya.

Pinagbigyan ko sya at matagal na nagkaroon ng katahimikan sa aming dalawa. Nang sa wakas ay kumalas na din sya sa yakap.

"Remember the letter that I give to you?? The last one" sabi nya.

Tumango naman ako bilang sagot.

"Diba nilagay ko doon na I will do everything?? That one day makikita mo ako sa labas ng bahay nyo at sa araw na yun ay sasagutin mo ako at magiging masaya??" Sabi nya.

Tahimik lang ako.

"I know you're not yet ready with these stuffs na gawa ng magulang mo. Pero sige hihintayin kita hanggang sa ready ka na" sabi nya.

Ngumiti naman ako.

"Ang drama mo!! Kaasar" sabi ko sa kanya.

Agad syang ngumiti at ginulo ang buhok ko.

Nanood na lang kami ng mga kdrama. Pinanood namin yung Doctor Stranger. Trip lang naming dalawa kaya namin pinanood.

Tungkol iyon sa isang lalaking nagmahal ng tunay sa girlfriend nya na taga north korea. Gumawa sya ng paraan para makatakas sila sa north korea at ng makatakas yung lalaki naiwan naman yung babae at ang ginawa nung lalaki ay gumawa sya ng paraan para makita nya uli ang mahal nya.

"Ang galing ni Park Soo Ha. Hindi nya iniwan si Jae Hee kahit may possibility na patay na ito" sabi ko.

"Actually tingin ko iba talaga pagmahal mo ang isang tao gagawin mo lahat para makasama sya" sabi nya.

Lumingon ako sa kanya.

"Ang drama mo ngayon" saway ko sa kanya.

"Naging madrama ako nung malaman kong galit na galit ka sa akin at sa amin. Alam kong mali yung ginawa ko. Sorry!!" Sabi nya.

Agad akong ngumiti

"Ano ka ba. Matagal na iyon kaya okay lang" sabi ko.

Hinawakan nya ang kamay ko.

"Promise gagawa ako ng paraan para maging tayo ulit" sabi nya.

Makalipas ang ilang araw ay hindi na sya pumupunta ng bahay. Ano kayang nangyari dun??

Kaya nagdecide ako na pumunta sa SM building kakausapin ko sila mama at tatanungin kung nasaan sila.

"Ma, asan ung SHINee??" Tanong ko
"Ung SHINee nga ba ang hinahanap mo o si minho lang??" Tanong ni papa parang inaasar pa ata ako.

Ay nako!! Bat ba nagtatago si Minho sa akin. Naglakad lakad ako sa building ng may makabangga akong koreano.

"Mianheyo" sambit nya.

Agad naman akong sumagot.

"Ani, Gwenchana" sagot ko. At umalis na sya agad.

Sa pag-alis nya may nalaglag na papel sa bulsa nya. At ako naman binasa ko iyon

Miss me??

Yan ang nakalagay. Di ko alam kung sinasadya ba ito o talagang dapat may pagbibigyan sya nito. Habang nagbabasa ako ay may bumato sa akin ng papel. Kaya ang ginawa ko ay tignan ko ulit ito.

Can we go out today??

Aish. Alam ko na kung kanino galing ito.

"Oo na sige lumabas tayo ngayon. Kawawa naman yung mga punong nasasayang ang dami mong ginamit na papel" sabi ko sa sarili ko.

Agad syang lumabas sa may malaking pader.

"Ang OA mo naman. Dalawa lang naman yung papel na ginamit ko ah!!" Reklamo nya.

"Kahit na ba" bara ko sa kanya.

Kinamot nya ang ulo nya at lumapit sa akin at agad akong inakbayan.

"OY!! ANO YAN??" Sigaw ng isang lalaki sa likod.

Nang tumalikod ako para makita ang lalaki ay nakita ko si kuya jeremy. Tinanggal ko agad ang kamay ni minho at lumapit sa kanya upang bigyan sya ng yakap.

"Namiss kita kuya Jeremy" sabi ko.

Umubo naman si minho at agad kumalas sa yakap si kuya eemy.

"Ano ka ba George, nagseselos boypren mo" asar nya sa amin.

"Hindi ko boypren yan!!" Defensive kong sagot.

"Pero malapit na" dugtong nya.

Napakalakas talaga ng confidence ng palakang ito.

ツツ

My Famous Classmates (Shinee fanfic) (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon