Chapter 2
Aware ako sa pagkakaroon ng feelings sa akin ni Terrence. Di ako manhid. Ayaw ko lang mawala ang friendship na binuo namin since highschool.
"Joke lang Georgina!" Dagdag ni Terrence na may halong lungkot sa boses pero nakangiti pa rin sya.
Nahahalata ko naman na nasasaktan siya pero hindi ko kaya palitan ang pagmamahal na pinapakita nya sa akin, kaya ko siyang mahalin as a FRIEND.
"Tigilan mo na nga ang panloloko mo!!" sabi ko ng pabiro.
"Ba't hindi mo kasi ligawan uli si Jessica. Malay mo magwork na yung relationship nyo for the 2nd time around. Di pa huli ang lahat" dagdag ko pa.
Nalulungkot ako kasi si Jessica ay ex ni Terrence at ang mas nakakalungkot pa doon ay si Jessica pa ang nakipagbreak sa kanya.
Ngumiti lang siya ng pilyo sa akin at ako inakbayan siya at kinaltukan.
"Kasi naman ba't ang tagal ni sir Tabakla" nabuburyong na sabi ni Philip. Mabuti na lang at iba na ang topic sa usapan.
"Pvta yang baklang yan! Pupunta pa ako sa condo ko pagkatapos nitong klase nya" galit na sabi ni Michael.
"Wala ka ng klase??" Tanong ko kay Michael.
"Yep, wala na. Kaya dapat kong bigyan ng reward ang sarili ko" Mayabang na sagot nya sa akin.
Aba kahit kailan ang yabang talaga nito. Sana makabuntis to!! Hahahaha
"Naku! Tigilan mo na yang pagtatanong mo dyan Georgina" awat sa akin ni Terrence.
"Pre, paano kapag nakabuntis ka??" Curious na tanong ni Philip.
"Di yan pre, Gumagamit ako ng proteksyon" relaw na sagot ni Michael.
Aba talaga!! Proud na proud talaga na gumagamit sya ng proteksyon.
"Paano pag nabutas yung proteksyon mo??" tanong uli ni Philip.
Loko talaga!
"Edi ta-TEKA NGA BA'T TANONG KAYO NG TANONG KANINA INAASAR LANG NATIN SI JOSHUA AT GEORGINA. NGAYON AKO NA ANG PINAG-UUSAPAN!" Bulyaw ni Michael sa amin.
"Curious lang pre" sabi pa ni Philip.
"Landi mo kasi eh" comment pa ni Terrence
Mag-aaway pa sana sila kaso dumating na ang pabebe naming professor, si Sir Tabakla.
"Ged Efterneen Cless" Maarteng bati niya sa amin.
Si Sir Tabakla ang prof namin sa Math. Ganyan talaga siya magsalita, MAARTE. Kada araw iba-iba ang vowel na ginagamit nya minsan puro 'a' minsan 'o' at madalas ang 'i'. Kaya kami walang natutunan pura kopya lang ng solution ang ginagawa namin. At ngayong araw na ito nga 'e' ang vowel of the day niya.
BINABASA MO ANG
My Famous Classmates (Shinee fanfic) (Editing)
FanfictionAng SHINee ay isang kilalang boy group sa korea at susubukan nilang magpa-ibig ng isang dalaga na walang kaalam alam kung sino sila. magawa kaya nila ang misyon nila?? O may mahuhulog ang damdamin para sa dalaga