Chapter 4: Her friends (Edited)

873 18 0
                                    

Chapter 4

Georgina's POV

Pagdating ng recess ay kasama ko pa rin sila. Naglalakad sila sa harapan ko at ako ang nasa likod nila. Nahihiya akong kausapin sila pero nabanas ako dahil sa mga tsismosang babae sa campus.

"Georgina is a slut"

"Kaibigan na nga niya ang 3 handsomes tapos magiging guide pa sya ng SHINee"

"Ano ka ba isa siyang Agoncillo. Madami silang connections at pera baka sinulsulan si Mr. Madrigal"

Rinig kong sabi nila at ako naman hinyaan na lang sila. Hindi naman nila alam ang totoo kaya bakit ko pa sila papatulan.

"Ano yang sinasabi nyo kay Georgina!?" rinig kong salita ng isang babae pagkalingon ko si Jessica pala iyon.

"Eh kasi..." yan lang ang sinabi ng mga babae.

"Tingin nyo ba pag kayong mga fangirls ang magiging guide ng SHINee ay magiging payapa ang mundo nila? Kaya sila pumunta at nag-aaral dito dahil gusto nilang mabuhay na parang normal na tao. They want their selves free from the limelight. Kung kayo kaya ang artista at hindi kayo makatulog ng maayos o ng maaga tingin nyo ba masaya iyon?" galit na sabi ni Jessica sa mga babae.

"At isa pa kung naiinggit kayo na kaibigan ni Georgina ang 3 handsomes maghanap na lang kayo ng ibang kakaibiganin. SOLID na sila since highschool at ako ang saksi doon. Bakit dati nga mga nerds yang 3 pogi nayan at wala ni isang babae except kay Georgina ang pumapansin sa kanila. Palibhasa kasi kayo you only look in the physical appearance of a person at hindi ang kalooban. Kaya kayo pag pinagtsismisan nyo pa uli si Georgina ay gagawa ako ng paraan para makaalis kayo sa school na ito" pagbabanta ni Jessica at sinamahan na akong maglakad sa likod ng SHINee.

"Thank you Jessica" sabi ko sa kanya.

"Ano ka ba okay lang iyon. Kaibigan ka ng boyfriend ko" sabi ni Jessica

"Nagkabalikan na kayo?" tanong ko sa kanya.

"Yup, naasar kasi ako kasi mahal ko pa rin sya kaya kagabi sinabi ko sa kanya na may feelings pa rin ako sa kanya at luckily mahal nya pa rin ako. Kaya eto we're back again and proving na may forever." Sagot nya sa akin.

"Ay salamat naman at nagkabalikan na kayo. Alam mo ba bitter na bitter si Ren sa mga taong nasa paligid mo. Minsan nga niyayakap nya ako para pagselosin ka pero alam ko namang di ka magseselos kasi hanggang magkaibigan lang kami" sabi ko sa kanya.

Nagseryoso naman siya at sinabi sa akin

"Nagseselos ako sa inyong dalawa" sabi nya at bigla na lang tumawa. Ako naman nakitawa na rin sa kanya.

Hindi ko namalayan na nakatingin na sa amin ang mga koreanong inaalalayan ko.

"Ah..Eh.. I'm sorry" sabi ko sa kanila.

"No its okay" sagot nung bata. Taemin ata ang pangalan.

"Bye Georgina. I have my class pa. got to go. Bye guys!" paalam sa amin ni Jessica.

"Uhmm.. Georgina if you don't mind can you be here infront of us because we don't know where to find the cafeteria" request ni Key.

"Ah.. okay. I'm sorry if hindi ko kayo kinakausap nahihiya kasi ako sa inyo" sabi ko sa kanila. Naiintindihan naman ata nila ang sinasabi ko.

"Ano ka ba okay lang iyon" sagot sa akin ni Minho.

"T-teka.... Marunong kayong magtagalog?" tanong ko sa kanila.

My Famous Classmates (Shinee fanfic) (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon