Chapter 37: Epilogue

275 5 0
                                    

Chapter 37: Epilogue

Georgina's POV

Mag-iisang taon ng nangliligaw si minho sa akin. Nagstay na kami sa korea dahil ayaw kaming paalisin nina mama.

Si ate ayun malandi pa rin. Joke lang. Kinasal na sya kay Jonghyun. Grabe yung dalawang yun parang magsyota pa rin.

February na. At balak ko ng sagutin si minho sa valentines day. Para mas masaya lang at memorable sa aming dalawa.

Bilib ako sa kanya kasi in the past months na pagtitiisan nya pa ako. Dumagdag pa ang pagbabago ng attitude nila mama at papa towards minho.

Naging masungit sila dito tila binibigyan nila ng challenge si minho. Nagbigay din ng rules si papa.

1. Pwedeng pumunta si minho sa bahay pero hanggang living room lang. Bawal sa kwarto.

2. Bawal tumakas sa mga schedule nila. Trabaho muna bago landi

3. Pwedeng magdate pero dapat naka-disguise sya.

4. Pagdating ng 12 midnight dapat nasa bahay na ako.

5. No kissing. Pwede pa ang paghawak ng kamay o yakap pero bawal ang kiss.

Yan ang binigay ni papa na rules kay minho at awang-awa ako sa kanya. Lalo na dun sa rule #5. Actually hindi pa kami pero yung rules ni papa parang kami na agad.

Feb. 14 na at kabadong-kabado na ako. Inaya ako ni minho na mag-dinner. Naghahanap ako ng susuotin ko ng may kumatok sa kwarto ko. Agad ko naman iyong binuksan at nakita si ate na himala ay umuwi.

"Oh ate napadalaw ka??" Tanong ko.

"Syempre naman, sabi ni mama may date daw kayo ni minho??" Tanong ni ate.

Tumango ako at agad nya akong tinulungan sa pagpili ng damit na susuotin ko.

Linabas ko ang jeans at isang tank top.

Agad ngumiwi ang mukha ni ate.

"Eh??" Sabi nya.

"Bakit??" Tanong ko.

"Para kang tambay sa kanto. Saka bakit tank top?? Wala ka talagang taste sa damit" sabi nya.

Agad nyang kinuha ang isang dress na skintone ang kulay. May sequence na details ngunit simple lang. Inayos nya ang buhok ko na 'messy bun' daw ang tawag. Nilagyan nya ako ng bb cream, eyeliner para lumaki daw ang mata ko at kaunting blush on.

Nang matapos ang pag-eeksperimento nya sa mukha ko ay pinakita nya kung ano ang itsura ko at to my surprise nakakita ako ng isang dyosa.

Parang naiba na naman ako. Kasi mula ng umalis ang SHINee sa pilipinas at matapos ang makeover ay nagbalik uli sa dati ang itsura ko.

"Ganda mo lil sis" sabi ni ate.

"Dyosa ko talaga!!" Pagmamayabang ko.

"Tse!! Ikaw ah dapat magthank you ka sa akin kung wala ako. Hindi ka magiging dyosa" sabi nya. Mukhang nagtatampo ang ate kong malandi.

"Thank you ate. I love you" lambing ko sa kanya.

"Oo na sige na lumayas ka na at baka malate ka pa" sabi nya.

Umalis na ako at pumunta sa restaurant na sinabi ni minho. Nang makapasok ako ay agad akong inalalayan ng waiter sa isang table. Madaming tao sa restaurant kasi nga valentine's day ngayon. Pero mukhang napaaga ako ng dating. Wala pa yung kadate ko.

My Famous Classmates (Shinee fanfic) (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon