One

128 5 0
                                    

Chapter 1

Zachea's POV

"SUZANEEEE! Dalian mo! Mahuhuli tayo!" Iritang sigaw ni Maree.

"Maiah naman huminahon ka, pag lalo kang sumigaw mapapansin tayo!" Pasigaw na bulong ni Neesia kay Maree.

Siguro nagtataka kayo kung bakit sila nagsisigawan at natataranta.....

Nagcucutting classes kasi kami.

Right. We're not bad girls pero kasi ngayon yung performance nung spoken word poetry sa plaza. Ayaw na ayaw naming pinalalampas yun every year kaya eto tumatakas kami kasi kung minamalas ka nga naman eh class hours pa.

Ramdam na ramdam ko ang bawat butil ng pawis na lumalandas sa mukha ko. Hinihingal ako sa pag akyat sa fence dito sa likod ng school. At the same time kinakabahan ako. Usually kasi gabi ang performance na yun sa plaza kaso may times na hapon ginagawa gaya ngayon.

Hindi namin first time mag cut ng klase. Nagawa na namin ito dati nung grade 9 kami at same reason. Hapon din ginanap, never namin pinalampas yun.

Mga 10 mins walk lang ang plaza mula sa school namin. Pero dahil nga takas lang kami, kapag tinakbo eh 5 mins nalang.

Malapit nakong makababa sa kabilang side nang........

"HOY! anong ginagawa niyo diyan?!"  Sigaw ni manong guard

"Patay! Si papa not!" Napatakip pa ng bibig si Neesia.

Parang gusto ko matawa sa tawag nila kay manong. Panot na kasi siya kaya binigyan siya ng nickname ni Maree. Si papanot na ang bagong guard. Masungit at mahigpit yun, di katulad ni Peppy. Yung guard na yun malaki yung katawan...... pero bakla. Kami lang ang natawag sakaniya ng ganun kasi nga paminta. Kaclose namin yun kaya nakakatakas kami sa school. At dahil din sa nakakatakot si papanot ay abot langit ang kaba ko ngayon.

"Nagtanong pa! Ano sa tingin niya ginagawa natin?! Edi tumatakas! Duh!" Sabay roll eyes ni Maree.

Dahil sa sigaw na yon ni papa not, este ni manong guard ay nalaglag ako sa damuhan.

"Aw!" Naunang bumagsak ang pwet ko.

"Hala nagulog log log log log!" Sabay tawa ni Maree.

Papalapit na ng papalapit si papa not kaya dali dali akong tumayo at nagpahila ako sa dalawa kong baliw na kaibigan.

Tawa kami ng tawang tatlo. Hinihingal pa kami pagkadating ng plaza. Medyo kaunti lang ang mga tao at karaniwan mga nasa college. Parang kami lang ata ang naka uniform kasi lahat ay nasa school.

"Hanap na tayo ng upuan. Napagod ako dun. Ganto palagi ang feeling ko pag nag cucut ako ng klase! Feeling ko ang cool ko na parang thug life ganon!" Natatawang sabi ni Maree.

"Oo sige magpakasaya ka dahil mamaya iiyak ka pag nahuli tayo." Pangasar kong sabi sakaniya.

Inirapan niya lang ako at natawa ako.

Naghahanap kami ng mauupuan nang biglang hinila kami ni Neesia.

"Dito tayo sa matao, para kung may makakilala man satin ay hindi agad tayo mahahanap dahil natatakpan tayo."

Pain After Nine (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon