Thirty Seven

49 3 1
                                    

Chapter 37

Zachea's POV

Sana hindi pa ako huli... sana hindi pa ako huli...

Sana....

Pagkabukas ko ng pintuan ng ICU ay humungad saakin ang mga nurse at isang doktor.. halos manghina ang tuhod ko ng matanto kung nasaan lahat sila nakatingin..

"Lala!" Lahat sila nagtinginan saakin. Napatakbo ako doon pero pinigilan ako ng ilang nurses. Dinala nila ako sa labas ng room at doon ako nagwala.

Sumigaw ako ng sumigaw.

"HINDI! LALA! HINDI NIYA KO IIWAN!" Parang nawawala nako sa sarili ko...

I already lost Howan... and now, hindi ko na alam kung anong mangyayari saakin, seeing this situation.

Sunud sunod akong umiling. No....

Lumabas ang doktor at pagod na pagod na akong ulitin kung gaano nila ako kaawaan.

Hindi ko kailangan ng awa nila! Ang kailangan ko..

Yung mga mahal ko...

"I'm sorry Ms. Herrera... her cancer cells took over most of her organs. Hindi na kinaya ng katawan niya.. she already gave up. I'm very sorry." Ayun ang sinabi ng doktor at umalis.

Umiyak ako ng umiyak. Napatingin ako sa trophy na nasa sahig.

Hindi ko na nagawang maipakita sakaniya yan.

Bakit? Bakit palagi akong nahuhuli?

Bakit palaging naiiwan ako sa huli?

Tinawagan ko si Maree... please.. kailangan kita ngayon..

Walang sumasagot.

Lumapit saakin ang isang nurse. "Miss? I'm so sorry... g-gusto mo ba makita ang lola mo? She's being transferred to the morgue right now." Malungkot na sabi niya.

Paulit ulit akong umiling at tumungo.

Tumango lang siya at umalis.

Hindi ko nagawang bisitahin si Lala sa morgue. Hindi ko na kaya...

Sobrang sakit na.. kasasabi ko lang kanina na aahon na ako. Pero bakit ganun? Patuloy akong nilulubog.... nilulunod.

Akala ko pagkatapos ng nangyari kay Ten... makakaya ko pa din dahil nandiyan pa si Lala. P-pero pati siya kinuha..

Galit na galit ako. Hindi ko na alam kung anong dapat maramdaman.

Wasak na wasak na ako..

Umuwi ako sa bahay. Pagbukas ko palang ng pinto ay napahagulgol na ako.

Naaalala ko yung mga oras na pinagbubuksan ako ng pinto ni Lala.

Yung mga ala ala kung saan excited ako umuwi kasi may uuwian pa ako... pero ngayon wala nang sasalubong saakin...

Itong bahay... itong bahay na binuo niya pra matupad ang pangarap nila ni Lolo.

Umakyat ako sa kwarto ko..

Medyo magulo ito... nagkalat ang mga papel, mga damit.. at kung anu ano pa. Inilabas ko ang box kung nasaan ang nga bagay na iniingatan ko. Lahat ng nagpapaalala saakin kung gaano ako kasaya noon...

Bakit lahat ngayon binawi? Ito ba ang kapalit ng lahat ng kasiyahang naranasan ko?

Hindi pa ba sapat na hindi ko naramdaman ang pagmamahal ng magulang ko?

Hindi pa ba sapat lahat ng sakit na naramdaman ko?

Isa isa kong pinulot ang mga kalat. Sa isip ko parang naririnig ko ang boses ni Maree na pinagagalitan ako sa tuwing nadadatnan ang madumi kong kwarto.

Pain After Nine (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon