Twenty Three

32 5 0
                                    

Chapter 23

Zachea's POV

It's christmas today....

The loneliest I've ever had.....

*ting*

Lumabas na ako ng elevator at naglakad sa hallway kasabay ng ilang nurses. Nailipat na si Lala sa mas malaking hospital, mas malaki mas mahal pero wala akong pakialam sa babayaran ko basta't gumaling si Lala. Habang tumatagal, lalong nagiging worse ang condition niya. Minsan ay dinadalaw kami nina Tito Kael at Tita Yumi. Sinubukan kong tawagan si ate Rishii pero ang asawa niya ang sumagot. Sinabi niyang hanggang ngayon ay di pa din niya tanggap ang pagkawala ng baby nila at hindi niya masabi kay ate ang condition ni Lala dahil lalong makakasama sakaniya, napapabayaan na daw niya ang sarili niya.

Bago ako pumunta sa room ni Lala ay pumunta ako sa pinakadulo ng ospital kung saan wala masyadong makakarinig sakin.

Tinawagan ko ang isang taong matagal ko nang hindi nakakusap.....mama.

"Hello mama?" Hindi siya sumagot at naririnig ko lang ang paghinga niya.

"M-mama... si Lala po. Stage 4 na ang c-cancer niya." Napalunok ako para pigilan umiyak.

"Nako, kung tinawagan mo lang ako para manghingi ng pambayad sa ospital wala kang mahihita saki--"

"MAMA!" Napasigaw na ako. Hindi ko alam kung paano niya nasasabi ang mga yun.

"Wag mo kong sigawan Zachea hindi kita pinag aral para maging bastos--"

"Sige po mama! Sabihin niyo na ang gusto niyong sabihin. Pero para kay Lala... ganun nalang po ba yun? Nanay mo po siya! Kahit wag niyo na ko isipin, kahit siya nalang ma..." napaupo nalang ako.

"Maraming pera si mom. Kumuha ka ng pera sa bangko niya tutal puro trabaho lang naman ang alam nila ni dad." At pinatay na niya ang tawag. Napaiyak na ko't napailing. Hindi ko ineexpect na magiging ganto ang reaksyon niya. Parang wala siyang malasakit at utang na loob sa magulang niya. At nasasaktan ako para kela Lala.

Hindi ko siya tinawagan para sa pera. Kahit gumapang ako para matustusan ang pambayad dito sa ospital gagawin ko pero hinding hindi ako tatanggap ng pera ng iba. Gusto ko pinaghihirapan ko.

Pagpasok ko sa room ni Lala ay umupo ako sa sofa doon. Tinignan ko siya, she doesn't deserve this...

Kinuha ko ang journal at ballpen ko.

Naalala ko ang pagkikita namin ni Ten noong pinuntahan niya ako sa kwarto ni Lala.

Napabuntong hininga ako at nagsulat.

Eto na ako't bumalik,
Lahat ng nararamdaman ay nanumbalik.
Pero ano pa bang inaasahan ko?
Nandiyan pa rin ang malamig mong mga tingin,
Ang boses mong masarap dinggin.
Nakita ko ang mukha mo pero wala ka pa ring pinagbago.
Ikaw pa din yung lalaking mahal na mahal ko,
Dahil sa tadahang mapaglaro, ngayo'y wala pa ring 'tayo'.

Napalingon ako sa gift bag na nasa tabi ko. Naibigay ko na kay Maree ang regalo niya last week pa dahil pumunta sila sa probinsya ng papa niya at doon magcelebrate ng pasko. Last week ko pa gustong ibigay yung sweatshirt kay Ten... pero nahihiya ako.

Ang hirap magdesisyon
Kung ano ang dapat gawin na aksyon.
Dapat ko 'bang ibigay?
O patuloy na magpanggap na parang walang kamalay- malay?
Naglalaban ang aking puso't isip,
Aking damamin ay sumisikip,
Gustong ibigay sa'yo ang munting regalo.
Sinisigaw ng aking puso.
Pero hindi dapat sabi ng utak,
H'wag maging tanga't ika'y mawawasak.
Hindi ko alam kung sino ang pakikinggan,
Gayo't pati ang mga tao sa paligid ko'y hati rin ang katwiran.
"Kung kayo'y nakatakda, kayo pa rin hanggang sa pagtanda."
"Kapag ang isang bagay ay iyong gusto, pagsikapan mo'ng makuha ito."
Dalawang kasabihang magkasalungat.
Hindi alam kung ano dapat ang umangat.
Parehong may punto, parehas akong ginugulo.

Pain After Nine (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon