Twelve

39 4 0
                                    

Chapter 12

Zachea's POV

Napalingon kami sa screen at gulat na gulat ako. Tumingin ako kung nasan si Maree at Jax.

Nung una ay halatang masaya silang dalawa. Dahil panigurado sinagot na siya ni Maree. Pero nung nakita niya yung nasa screen napayukom siya ng kamao at nagpipigil umiyak. Tumingin din siya sakin nang may pag tatanong.

Umiling nalang ako dahil miski ako ay hindi alam kung bakit ganun.

Nagflash sa screen yung video ni Neesia na pumasok sa cubicle namin sa backstage. Ayun yung time ng Queen of Cherhill High. Kitang kita kung gaano niya pinagsisira ang damit ni Maree, ang pagpunit sa banners, flyers at kartolina ko. Pati ang pagsira niya sa heels. May isa pang picture niya na hawak ang timba. Naalala ko yun. Ayun ang timba na may laman na kung anu ano na bumuhos kay Maree pagkastart ng pageant.

Why Teneesia? Hindi ko na maintindihan.

Nakita ko si Neesia sa bukana ng pintuan. Nakita kong napatakbo siya at sumunod kaming dalawa ni Maree. Sasama na rin sana si Jaxter pero pinigilan ko siya.

"I'll make sure she's okay." At tumango nalang siya sakin.

Tumakbo kami ni Maree hanggang maabutan namin si Neesia. Nasa pinakataas na floor kasi yung event place namin at dalawang floor nalang bago mag rooftop. Nakaabot kami doon at ramdam ko ang lamig dahil gabi na pagbukas ko ng pinto.

"Teneesia! Harapin mo kami! Ano naduduwag ka ba ha?! Kaya pala ang lakas ng loob mo nung araw na yon!" Lumapit si Maree sa nakatalikod na si Neesia at hinila nito ang braso niya para humarap.

Wala akong mabakas na reaksyon kay Neesia.

"Bakit? Bakit mo 'yon ginawa? Wala naman akong pakielam kung matalo ako sa pageant na yun o hindi pero ang masakit yung malalaman namin na trinaydor mo kami!" Naiiyak na sabi ni Maree.

Naiiyak na din ako. Masakit. Halos magkakapatid ang turingan namin sa isa't isa pero bakit ganito? Yung tiwala kapag nasira hindi na maibabalik 'yon sa dati.

Tumulo ang luha sa mga mata ni Neesia. "I-i'm sorry. I did that kasi gusto ko manalo si ate Kelsey."

Pero umiling nalang si Maree. "Teneesia ang sakit. Mahal ka namin ni Suzanne pero ginanito mo kami. Bestfriend kita pero itinapon mo yung pagkakaibigan natin ng ganun ganun nalang para sa pinsan mo'ng walang ibang ginawa kung hindi saktan ka!"

Siguro para sa iba masyadong mababaw ang pinagaawayan namin. Pero para saaming tatlo hindi.

People will never understand you unless they feel the pain you've felt if they're in your shoes.

"Patawarin niyo ko. Ayoko nang makasama kayo." At tinitigan kami ni Neesia.

"Then friendship over! Ayan naman gusto mo diba? Wag na wag ka nang lalapit saamin ni Suzanne, at for your information kayang kaya namin nang wala ka!" Sigaw ni Maree. Hindi ko siya pinakinggan at lumapit nalang ako kay Neesia.

Niyakap ko siya pero tinulak niya ko. "Ano ba Zachea!" She didn't call me Suzanne.

"T-talaga bang wala nang halaga sayo ang pagkakaibigan natin? Paano na ang Tres Takas Girls?" Tanong ko. Kasi kung si Maree ayaw na niyang ibalik yung friendship nila ni Neesia, ako gusto ko. Pareho silang mahalaga sakin at masakit na nakikita ko silang nagsasagutan ng ganito.

"Oh please! Tres Takas? Kagaguhan! Tigilan mo nga ang pagbabait baitan! Dahil sayo at sa pagkahilig mo sa spoken f*cketry na yan ay napipilitan akong mag cutting simula pa dati. At dahil don pinagagalitan ako ni dad! Nakakabwisit na yang mga katangahan mo kaya dali na ilabas mo na yang kademonyitahan mo sa loob mo! Dapat di kanalang bumalik dito at doon kana tumira kasama ang malandi mong mama--" di ko na nakayanan at napaupo nalang ako. Nakita kong sinampal ni Maree si Neesia at nakaharang na siya sa harap ko. Hindi ko kayang saktan si Neesia kahit anong mangyari.

Pain After Nine (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon