Twenty

28 5 0
                                    

Chapter 20

Zachea's POV

Excited na ako para sa trip ko bukas. Nakahanda na lahat ng gamit ko at medyo nagdadrama pa si Lala dahil di niya raw ako makikita ng isang buwan. Ang pinakamatagal na napalayo ako sakaniya ay mga 3 araw lang nung nakipag sleep over ako kela Maree.

"Apo! May naghahanap sayo!" Rinig na rinig ako ang sigaw ni Lala mula sa baba, kaya dali dali akong nagpunta duon.

Nakita ko si Sion na nakaupo sa sofa namin. Tumayo siya nang makita ako.

"Hi Zachea." At ngumiti siya. Nakita ko ang resemblance nilang magkapatid sa tuwing ngingiti siya. Yung parang kambal sila pero ang totoo ay mas matanda si Howan ng isang taon kay Sion.

"Oh Sion! Bakit? Wala dito si Maree eh." Napakunot ang noo niya ng banggitin ko ang pangalan ng bestfriend ko.

"Ay, hindi ako pumunta para sa PG na mamon na yon no. Ikaw talaga pinunta ko." Kung makapgsabi siya ng PG kala mo hindi rin siya ganun eh hahahaha

"Kasi ano...." napahawak siya sa batok at nahihiya. "Pwede ka bang sumama sakin? Panoorin natin si kuya. Ngayon yung tournament nila."

Oh.... "Oo naman. Bakit hindi?" Nakangiti kong sabi. This is the first time na mapapanood ko siya.

Nakasuot lang ako ng ripped jeans, rose gold timberland shoes at gray shirt at rose gold shades. Pag punta namin sa field ay madami na agad tao. Pero duon kami sa may harapan umupo ni Sion.

Tinuro niya kung nasaan ang kuya niya at hindi ko alam kung iiwas ba ako ng tingin o ano kasi nakita ko si Gertrude na may hawak na gatorade at towel na inaabot kay Howan. She's wearing a fitted tshirt at maong na skirt.

Napatingin sakin si Sion. "Zachea...... do you like my brother?" Seryosong tanong niya.

"Eh ikaw, do you like my bestfriend?" Pabalik kong tanong. Seryoso pa din siya.

"I don't just like her, I love her. There's a difference." Nagulat ako sa pagiging straightforward niya. Napangiti nalang siya nang hindi ako makasagot. I was caught off guard. So tama nga ako, he loves Maree.

Mabuti nalang at nakashades ako, hindi ko kayang makipagtitigan sakaniya dahil alam kong matatalo ako.

"You know what? Howan's the best kuya. He always sacrifice what he has for me. Nung mga bata kami, Gertrude was such a bully. At laging nandiyan si kuya para ipagtanggol ako. Never niya ipinaramdam na pabigat ako kahit na--" naputol ang pagsasalita niya nang sumulpot sa harap namin si Gertrude. "Oh Hi Zachea right?" Nakangiti niyang bati.

Nag hi din ako sakaniya at umupo siya sa tabi  ko, bali napapagitnaan nila ako ni Sion.

"Have you seen him play before?" Tanong niya. Umiling ako.

"I see. He's very athletic and fit. He just loves sports since we were young. Usually sa school nung elementary kami, palagi siyang nageexcel sa PE class namin. And he's slaying almost every sport na nilalaro namin." Napatango nalang ako. She seems to know a lot about him. Nakakainggit.

"Shut up Gertrude and just watch." Pang asar na sabi ni Sion.

She just rolled her eyes. "Epal ka talaga kahit kailan Mr. urangutan!" Sabay hampas kay Sion.

"Hindi ka pa rin ba magbabago ha? Bully ka pa din?! Hanapin ko nga yung batang nakapagpataob sayo nuon. Ano nga ba tawag niya sayo? Ger-ger? Yuck!" Tawa ng tawa si Sion. Tumayo si Gertrude at pinaghahampas niya ang isa.

Pain After Nine (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon