Eleven

39 5 0
                                    

Chapter 11

Zachea's POV

Everything went smoothly. Natapos ang christmas party and vacation namin at ngayon February na. Napakabilis ng panahon.

Bukas na ang prom namin at nandito si Maree sa kwarto ko para mag sleep over.

At dahil hapon pa lang, nagsuggest siya na manood kami ng movie dahil tinatamad daw siya lumabas. Bigla akong may naalala pagkasabi niya ng movie....

"Oh Lala ano nanaman yang pinanonood mo?" Sabi ko.

Ang weird din minsan ni Lala. Kahapon lang action movies ang pinanonood, ngayon naman drama.

"Apo napanood mo na ba ito? Ang ganda!" Napkunot ang noo ko. Kasi parang foreigner na teens ang mga bida.

"Hindi pa po yata La. anong title?"

"The space between us. " naloka ako sa title. Ang bongga ng taste ng Lala ko ha!

"Sige po panonoorin ko po yan mamaya. Alis na po ako La! Love you!"

Bigla kong tinalunan si Maree kaya napabalikwas siya agad.

"Alam ko na ang panonoorin natin!" Excited kong sabi.

Kumunot ang noo niya. "Ano? Yung sausage party nalang, sabi ni Siopao maganda raw yun. Tsaka puro pagkain!" Oo nga pala, one time nakita namin nakatambay si Sion sa guardhouse ng school namin. Tutok na tutok sila ni papanot sa cellphone niya. Nung tinanong ni Maree kung ano pinapanood nila sabi niya sausage party daw.

"Nandito ka sa kwarto ko, TV ko yan. Ako ang magdedesisyon Maree. Unahin natin ang the space between us." Sumimangot at nagdabog dabog pa siya ng kaunti pero kinotongan ko na lang.

"Two Worlds, One Connection." Binasa ko yung nakalagay sa cover. Hmmm... interesting. Bilib din ako sa taste ni Lala eh.

Nung una ayaw pa ni Maree. Pero maya maya kinikilig na siya kay Gardner. Sarap sabunutan neto eh hahaha.

Grabe lang. Parang sobrang long distance relationship to kung saka sakali. Pero sabi nga nila kung mahal mo talaga ang isang tao, kahit ilang planeta pa ang pagitan ang sayo ay sayo. Sa tingin ko kasi kung talagang loyal ka sakaniya, kahit anong tukso ang lumapit sayo siya at siya pa din. Ikaw lang ang may kontrol sa sarili mo at nasa iyo na din kung hahayaan mo'ng madala ka sa maling landas. Kung kilala mo naman ang sarili mo at hindi mo kayang maging loyal sa isa, huwag ka nalang pumasok sa isang relasyon at saktan pa ang taong walang ibang ginawa kundi mahalin ka.

Ang ganda pala ng palabas na to. Napakadaming linyahan ang tumatak sakin.

Gardner: What's your favorite thing about earth?
Shepard: Rain... because it washes everything away.

Shepard: What's your favorite thing to do on Mars?
Gardner: To pretend it's earth.

Gardner: What's your favorite thing about earth?
Homeless guy: Dreaming. What about you?
Gardner: So far? Meeting you.

Gardner: What's your favorite thing about earth?
Tulsa: You are, Gardner.

Sana may magtanong din saakin niyan. Isang taong katulad ni Gardner. Inosente, mabait at higit sa lahat yung mamahalin ako. If someone asks me that, I would love to answer. Kapag nangyari sakin ito, sana siya na ang the one ko.

Napatingin ako kay Maree sa habang pinakikinggan yung mga susunod na dialogues.

Gardner: You're so beautiful!
Tulsa: And you just blurted that out like that?!
Gardner: Yeah. Why not?
Tulsa: People don't go around saying what they feel whenever they feel it... We have shields and guards... and if we go around declaring our feelings, we might be happy or something.

Pain After Nine (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon