Fifteen

33 5 0
                                    

Chapter 15

CC'sN: chapter dedicated to ARudeGirl panget mo! Este ganda pala hahahaha. Labyu!

*****

Zachea's POV

I felt numb for minutes. Lala's words slapped me really hard.

"K-kasi....... hindi kayo magkapatid na buo."

"Ano po ibig niyong sabihin?" Sa una ay nag aalangan pa magsabi si Lala pero sa huli ay sinabi din niya.

"Nabuntis ang ate mo." Nagulat ako sa sinabi niya. Si ate buntis? Nagpromise siya nung bata kami na magiging professional psychologist muna siya bago siya magaasawa.

"At sasabihin na niya sana sa mama at papa mo pero nung gabing yun ay nagtatalo nanaman sila. Narinig niyang.... anak ka ni Zesanna sa iba. Apo sigurado ka bang g---" nasaktan ako sa narinig ko at tumulo na ang luha ko.

"Ayos lang po ako La." at pinunasan ko ang basa kong pisngi.

Itinuloy niya ang pagkkwento. "Hindi ko kilala kung sino ang tunay mong ama pero simula nang ipinanganak ka ay ayun na ang naging dahilan ng laging pagtatalo ng magulang mo. Kaya... lumayas si Therisha, nagtanan sila ni Jonard habang hindi pa malaki ang tiyan niya." Napayuko nalang ako sa narinig.

So..................I am a family wrecker.

"Apo" tawag sakin ni Lala. Tumalikod nalang ako at tumakbo papunta sa kwarto ko.

Kaya pala. Kaya pala ayaw nila ipagamit saakin ang apelido ni papa. Kaya pala kahit noon pa ay malayo na ang loob ko sakaniya. Ang pangalan ni mama ay Zesanna Herrera-Fleider at Thomio Fleider naman si papa. Ang sabi nila saakin nung bata ako na kaya daw Herrera ang gamit ko ay dahil hindi pa kasal sina mama at papa nung ipinanganak ako. At naayos daw ang mga papeles nung lumipat sila sa ibang bansa. At pagsunod naman ni ate sa US ay inayos na din ang birth certificate niya at Therisha Fleider imbis na Therisha Herrera ang pangalan niya. Kaya daw nila ako kinukumbinsi na tumira doon para mapalitan ang apelido ko pero hindi naman nila ginawa.

Kaya pala ganun nila ako ituring... kasi ako ang bunga ng pagtataksil ni mama. Ako ang sumira ng pamilya. Dahil anak ako sa labas.

Umiyak lang ako ng umiyak kahit kinakatok nako ni Lala sa pinto.

"LALA AYOS LANG PO AKO. GUSTO KO PO MAPAG ISA PLEASE!" Sigaw ko.

Eto nanaman..... parang nabibingi ako sa lahat ng mga masasakit na salitang narinig ko.

•Flashback•

I was 7 years old when my mama and papa migrated to US. Ate rishii was 11 years old that time.

"MAMA! Dito lang po kayo wag niyo po ako iwan!" Nakayakap ako sa binti ni mama para pigilan siya umalis. Halata sa mukha niya ang inis. Tumingin ako kay ate rishii na nakasilip lang sa pinto ng kwarto ni mama. Si Lala ay nasa bahay nila dati ni Lolo Rejino.

Pilit niyang inaalis yung pagkakahawak ko sakaniya. Hindi na niya alam sa sobrang gusto niyang lumayo ako ay nasisipa na niya ko.

"Anu ba Zachea! Kahit kailan talaga bwisit kang bata ka! Susunod ako sa papa mo!" Hinawakan niya ng mahigpit ang mukha ko at nakipag titigan sakin. Kita kong nanggigigil na siya sakin.

Pain After Nine (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon