Prologue

156 9 0
                                    



It's been years since you left me..... and it felt like forever

I miss you so much, please come back to me.....

I saw someone floating on water. I wasn't able to recognize who it was, but because of the moonlight, I saw the person's face and it felt like my heart stopped beating.......

I was in deep pain, yet the person's face looked calm. It's like the sea gives comfort as well as the moon giving light out of the dark.

I saw what's plunged on the sand. And my world immediately crashed in a matter of seconds....

"NOOOOOOOOOOOO!!!!!!!!"

Napabalikwas ako sa higaan nang mapaniginipan ko nanaman siya.

Naramdaman ko ang mainit na tubig sa mga pisngi ko't napagtantong umiiyak nanaman ako.

'No.... stop, stop crying.'

Damn!

Lumabas ako ng kwarto at kinuha ang jacket ko. Alam ko dahil sa napaniginpan ko ay hindi na ulit ako makakatulog nang maayos kaya't naisipan kong pumunta sa lugar na alam kong sagot sa bigat ng loob ko ngayon.

Agad kong pinaandar ang sasakyan. It's 12 am at eto ako ngayon, bumabalik balik sa sa lugar na yun. Binuksan ko ang bintana at hinayaang dalhin ng agos ng hangin ang buhok ko.

Bumaba ako sa sasakyan at tumingin ako sa
kalangitan.  Hindi ko maiwasang malungkot. Simula nang nagkawatak watak tayo ay hindi na rin muling nanumbalik ang mga nangnining-ning na mga bituin.

Hindi ba't 'yon ang paborito mo? Kaya ka palaging bumabalik balik rito dahil doon.

Lumingon ako sa kaliwa at nakita ang napakagandang bahay, ang bahay na pinangarap namin.... pinangarap niya. Pero hindi ko magawang maging masaya sa tuwing pupunta ako dito. Same place, same date and time, kinuha ka saamin. Iniwanan mo kami, iniwanan mo ako. Sinisisi ko ang sarili ko sa nangyari sayo.... kung sana nalaman ko lang agad, kung sana nasamahan kita sa mga oras na yun, kung sana'y nandoon ako kung kailan kailangan mo ako, kung sana ay hindi ako nahuli ng punta....

                  ........ sana nandito ka pa ngayon.

Hindi ko na kinaya ang sakit na naramdaman ko and let myself fall on my knees.

I screamed.

You were one of the most special people to me.....you, Teneesia, Howan and him.

But you all left me. Why? Hindi niyo naisip kung anong mararamdaman ko. I'm more than torn! Hindi ko alam kung makakabalik pa ba ako sa dati.

How can I live the same life without the same people that made me love my life?

***

Pinilit kong patatagin ang sarili ko. Pinilit kong maglakad papasok sa bahay na yun kahit nanghihina ang mga binti ko. I opened the lights at nakita kung gaano kaganda ang loob nito, ibang iba na sa itsura nito noon. Ang dating bahay kubo ay isa na ngayo'ng malaking bahay. It looks comfortable yet it's cozier when you're here.

Naphikbi ako nang maalala lahat ng kakulitan natin at ala ala sa bahay na ito. Lahat ng biruan..... ngunit naalala ko rin ang mapapait na palitan natin ng mga salita. Lahat ng luhang naibuhos mo, at akong walang kaalam alam kung gaano kabigat ang mga dinadala mo.

I felt so pathetic for failing you. I'm so sorry! I'm so sorry....

Kusang lumakad ang mga paa ko kung saan nakapatong ang mga pictures natin. Kinuha ko ang isang picture frame at hinaplos ito. Ito yung panahong sobrang saya natin. Mga panahon na ok pa ang lahat...... pero ok nga ba? Napatingin ako sa mukha niya.... isa ka pa, I miss you so much my steamed buns. Natawa ako sa naalala ko kung paano tayo magbangayan. Naagaw ng isang trophy ang atensyon ko.

Hinaplos ko ang gold trophy na ito. Kasing liit lang ito ng dalawang palad ngunit napakalaki ng impact nito sakin.

"Kung kailan abot kamay mo na ang gusto mo.... saka kapa sumuko. Pero hindi rin kita masisisi kung hindi mo na kaya."  Ibinalik kito kung saan ko nakuha.

Umakyat ako ng hagdan at pumunta sa kwarto mo. Ganun pa din ang itsura nito. Pininturahan mo pa ng black and white. Tila narinig nanaman kitang sinasabing 'I love it black and blank'. Makalat ka sa gamit. Kaya lagi kitang sinesermonan kada nakikita kong magulo tong kwarto mo. This room has always been a mess... not until that day where everything became unusual. You even left me a letter---

I stopped thinking about it. It breaks my heart even more habang naaalala ko ang lahat. Kinuha ko ang isang notebook. Sobrang pamilyar ng feeling. Naalala ko ito.

I slowly open it at simula palang na nakita ko ang handwriting ay nagunahan nang tumulo ang mga luha sa mata ko.

'This journal belongs to Zan. Don't invade my privacy if you can't handle my awesomeness. Kidding aside! This journal is the proof of my love and my life. Please take care of it.'

Tuluyan ko nang inilipat sa mga susunod na pahina at pakiramdam ko ay parang bumalik ang lahat sa dati......

•••••••••••

CC's note: Here's the prologue. Hope you like it. Please leave some comments and votes. Thank you!

Pain After Nine (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon