Seventeen

28 6 2
                                    

Chapter 17

CC'sN: this chapter is dedicated to BlackxLily . <3

*****

Zachea's POV

Napatingin ako sa journal ko na may bagong tula nanaman.

Nitong umaga,
Hindi magkaganda ugaga,
Dibdib ko'y kumakabog,
Isip ko'y nabulabog.
Hindi mawari kung ano ang gagawin,
Pakiramdam ko'y itong pag ibig ay lumalalim.
Sobra ako'ng naduduwag,
Sa pagkalito'y lahat ng gamit ibinalibag,
Humawak ako sa ki'ng ulo't pumikit,
Sa isip hindi ka maiwaglit.
Bakit ganito ang epekto mo?
Napakalakas, nanghihina ako.

Napahinga ako ng malalim. Hindi ako nakapagfocus sa school kanina at pati dito sa bahay ay hindi ako tinatantanan ng dalawang taong hindi ko maiwaglit sa isip ko.

"P-please. Be mine."

"Aish!" Napasabunot nalang ako sa sarili ko.

Napalingon ako sa pinto nang makita kong pumasok si lala dito. Umupo siya sa tabi ko at nakatingin lang siya sakin. Alam ko na to eh, inaantay ni lala na magopen up ako. Kaya agad ko siyang niyakap. "Lala....." hinaplos niya ang likod ko at napabuntong hininga nalang ako.

"May problema ka ba apo?" Tanong niya.

"Lala.... kasi nalilito po ako. Bakit po ba ako nahuhulog sa taong imposibleng maging akin kung pwede naman ako mahulog sa taong gusto ako?" Sabi ko. Nilagay niya ang mga takas na buhok sa likod ng tenga ko at nginitian ako.

"Kasi apo minsan talaga'y nahuhulog tayo sa maling tao para matuto. Para pag dumating na ang tamang lalaki para sayo ay mas matalino, malakas at mas buo kana magmahal."

"Eh Lala... paano po pag may nagkakagusto sainyo at nanghihingi siya ng chance, pero alam mo sa sarili mo hanggang kaibigan lang talaga ang kaya mong ibigay?" Kunut noo kong tanong.

"Kilala kita apo, mas uunahin mo ang nararamdaman ng iba bago ang sayo. Pero ang gusto ko ay maging totoo ka sa sarili mo. At gaya ng sinabi ko may mga taong nakalaan para talaga sayo, at meron naman na dumating lang para turuan ka ng leksyon. Zachea, pwede din na ikaw ang leksyon at biyaya para sa iba." Pagpapaliwanag ni Lala.

Napatango nalang ako. Nginitian ako ni Lala, kahit kailan talaga napapagaan niya ang loob ko. "Basta, kung saan ka sasaya, yun ang sundin mo. Masaya ako para sayo apo, na may mga tao nang nagpaparamdam sayo ng ganito."

"Lala, k-kilala niyo po ba si Howan?" Medyo napakunot ang noo niya at parang inaalala kung nakita na ba niya ang tao na yun.

"Yun ba yung kasama mo sa tree house nung sinundo kita? Siya ang nagdala sayo sa kotse ko. Bakit apo? Siya ba yung gusto mo?" May bahid ng pang aasar ang tanong ni lala.

Napatango nalang ako. "Hindi ko po alam Lala eh. Nung unang nakita ko siya hindi ko naman aakalain na magiging ganito siya kaimportante. Bakit sa lahat siya pa? Hindi niya ako gusto La. Bakit hindi nalang si Quelton na walang ibang ginawa kundi alalahanin ako?" Malungkot kong sabi.

"Zachea, dadating din ang araw na mamahalin ka ng mahal mo. I-enjoy mo ang kabataan mo. Wag mong ipilit o pilitin ang sarili mo na gawin ang labag sa kalooban mo."

Pain After Nine (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon