Twenty Four

23 5 0
                                    

Chapter 24

Zachea's POV

Mabilis lumipas ang mga araw at habang tumatagal mas bumibigat ang gawain sa school. Mas masakit sa ulo lalo na't mag eentrance exam na kami sa mga universities. Febuary na ngayon, buwan na ng mga puso... kaya lang ipinagtataka ko pag sinabing araw ng mga puso you mean...

.... yung buo o yung wasak? O baka kahit ano dun sa dalawa basta't nagmamahal.

"Suzaaannneee!" Patakbong lumapit sakin si Maree at niyakap ako. Hinila niya ako sa isang boutique. Nasa mall kami ngayon at planong bumili ni Maree ng damit para sa prom namin.

"Maree naman ba't isinama mo pa ko? Sinabi ko na sayong di ako sasama diba. Mas mabuti pa bantayan ko nalang si Lal--" seryoso niya kong tinignan.

"Nakakatampo ka naman. Minsan na nga lang tayo magkasama eh. Tsaka kapag nandito si Lala mo paniguradong gusto niya na kahit minsan magsaya ka naman. Sigurado ako pasasamahin ka niya sa prom natin." Malungkot na sabi niya. Napailing ako... hind yun ang ibig kong sabihin. Bumagsak ang balikat ko dahil narerealize ko na nawawalan na nga ako ng time sa bestfriend ko.

Pero sige kahit malungkot ako... pipilitin kong maging masaya para kay Lala....

Sumama ako kay Maree na mamili ng damit. Napagdesisyonan ko nang pumunta sa prom namin. Ito na ang huli dahil gagraduate na kami sa Cherhill High.

Pagpasok namin sa boutique ay sinalubong kami ni Marvin Gay slash Peppy. "Hello mga anak anakan kong magaganda katulad ko!" Masayang bati niya. Siguro kung ayos ako ay papatulan ko ang sinabi niya.. pero ngayon wala akong energy para makipagbiruan. Malaki din ang pasasalamat ko kay Peppy sa pagdalaw dalaw niya kay Lala kahit busy siya.

Nalaman namin ni Maree na friend ni Peppy ang may ari nung boutique at close sila kaya libre nalang ang damit namin.. mabuti nalang kasi ayoko na gumastos at malaki na masyado ang binabayaran ko kay Lala.

Simple lang ang pinili namin na damit hindi katulad nung last year. Ayoko ng agaw pansin.. nagulat din ako sa pinili ni Maree, usually gusto niya center of attention siya kaya magaganda ang sinusuot niya. Tumingij siya sakin.

"For a change, hindi naman siguro masamang maging simple kahit minsan diba? Para twinning tayo." Nakangiting sabi niya na para bang nabasa ang isip ko. May iba sa ngiti niya..

"Kamusta na kayo ni Sion?" Tanong ko habang naglalakad paalis.

"Ganun pa din. Bangayan everyday, nakakatuwa kasi nung pasko sabay kami nagbigayan ng regalo at nagulat ako. Mamon na stuffed toy naman ang regalo niya sakin." Natatawang sabi niya. Mukhang masayang masaya sila. At deserve naman nilang dalawa yun.

"So... kailan mo siya sasagutin?" Napakunot ang noo niya.

"Sus, ang sabihin mo kailan AKO sasagutin? Parang ako yung nanliligaw saming dalawa ang arte arte ng siopao na yun! Nung birthday niya nilutuan ko siya ng paborito niyang tinola tapos umamin akong mahal ko siya. Alam mo kung anong ginagawa niya? Hindi ako pinansin at parang wala sa sarili kasi kain ng kain! Napaka patay gutom!" Nagcross arms sabay roll eyes niya. Natawa ako sa sinabi niya, kahit kailan talaga ang kulit nila. Naalala ko hindi ako nakadalo sa birthday ni Sion last month dahil hindi ko maiwanan si Lala at sobrang nadedepress ako sa balitang terminal stage na siya.

Nginitian ko lang siya. I'm so happy para sa bestfriend ko.

"Eh ikaw... k-kamusta na kayo ni Howan?" Nag aalangan niyang tanong. Alam niya kasi na nagiiwasan kami ni Ten pero hindi niya alam kung bakit.

Pain After Nine (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon