Thirty Three

36 3 0
                                    

Chapter 33

Zachea's POV

Ilang araw na din ang nakalipas, at kahit busy si Ten hindi siya nakakalimot magtext saakin kahit sinabi kong unahin niya ang sarili niya. Ang tigas ng ulo.

Maingay ngayon at madaming tao. Ngayon na ang tournament nila at kasama ko sila tita Liya, tito Kael, Sion, Maree Gertrude at si Jaxter.

Nasa kanan ako ni tito at nasa kaliwa naman niya si tita. Malayo palang ay kitang kita ko na si Ten. Napangiti ako...

•Flashback•

"I'm honestly nervous Zan." Sabi ni Ten habang nakayuko. Nasa van kami at si tito Kael ang nag dadrive.

Pagbaba namin ay niyakap ko si Ten. "Goodluck Ten.. you can do this. Win or lose, I'm still proud of you. You've worked hard and I know you'll gonna do best. Just enjoy it." Tumango siya at niyakap ako.

Bago siya umalis ay hinawakan ko siya sa balikat.

Kinuha ko ang kamay niya at ipinatong rito ang isang rosary.

"Lastly, don't forget to pray. He'll guide you." Nakangiting sabi ko.

"Thank you so much Zan. I'll do my best for you." At mabilis na tumakbo paalis.

•End of flashback•

"Baseball has always been his first love." Napatingin ako kay tito Kael sa sinabi niya.

"Bata palang yan, hilig na niya ang sports. This is his passion. I remember him saying that everyone can leave him but baseball will not. He's very dedicated and passionate towards sports at hindi siya naging interesado sa mga babae noon. Akala ko nga hindi na magkakagirlfriend yan eh." Natatawang dugtong niya.

Alam ko yun... kung may karibal ako sa puso niya ayun ang sports. Nakakatawa, pero naiintindihan ko na mahalaga ito sakaniya dahil bago pa kami nagkakilala ay committed na siya dito.

"But now I'm very happy kasi nakikita kong masaya siya.... lalo na pag kasama ka. Thank you anak." Sabi ni tito. Natuwa ako dahil parang anak na din daw ang turing nila saakin.

"Walang anuman po yun tito. He's a very nice person." Nakangiti kong sabi.

"Mahal na mahal ko yang batang yan. Silang magkapatid. Di ko alam ang gagawin pag wala sila." Nakangiting dugtong ni tito.

Throughout the game nagkekwentuhan lang kami habang pinanonood sila Ten. So far their team is doing a really good job at kapag nakakascore sila ay hindi ko napipigilang mapatayo at magsisisigaw kahit ang sama na ng tingin ng iba saakin.

"Now batting, number 10." Napatingin ako sakaniya kung saan nakatayo sa right-handed batter's box at nakita kong mahigpit na hinawakan niya ang bat. Nag squat siya nang kaunti at hinihintay na maibato ang bola.

Hindi ko alam kung namamalikmata ba ako pero nagtama ang mata namin at kahit seryosong seryoso niya napangiti siya nang kaunti pagtapos akong makatinginan.

"You know, minsan may tinatagong kakesohan sa katawan yan si Howan. Tumingin pa sayo, hashtag feeling inspired." Sabi ni Sion at siniko ako. Natawa nalang ako.

Napatayo nanaman ako pero this time kasama ko na sila Sion, tito at tita na tumayo't sumigaw pagkahit ni Ten ng bola. Binitawan niya ang bat at mabilis na tumakbo.

Pain After Nine (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon