Epilogue

81 5 5
                                    


Maiah's POV

Nandito kami ngayon sa isang chapel. Napakadaming tao na dumalo. Mga kaibigan ni Lala, mga nagmamahal kay Suzanne.

Nandito ang ilang teachers namin noon sa Cherhill. Sila papanot at Ms. Principal, si Peppy na kanina pa umiiyak, tito Kael, Aling Champy, Jeremi, Maely, Gertrude, Jaxter, Quelton, Mavelle, Carina, Mr. and Mrs. Chavez, at marami pa.

"I-I should've checked her kung iniinom niya pa ang mga gamot niya... I k-knew her situation very well pero wala akong nagawa.. I'm her psychiatrist , her saviour, but I wasn't able to save her." Umiiyak na sabi ni Mrs. Jenina. Pinapatahan lang siya ni sir Kodie na nasa tabi niya.

Nalungkot din ng sobra si sir Kodie dahil sa pagkawala ni Howan. Malapit pala sila sa isa't isa dahil doktor siya ni Sion.

Napatingin ako sa harap.

Nasa gitna ang dalawang kabaong...

At nasa loob ng mga yon sina Suzanne at Lala Velinda...

Ilang araw na akong ganito. Tahimik lang ako, ganun din si Neesia...

Hindi namin matanggap.

Magkatabi kami ngayon ni Neesia pero hindi namin magawang magusap.

Gustong sumama ni Sion saakin pero naiwan sila ni tita Liya sa bahay dahil nagpapagaling pa din siya.

Napalingon ako sa babaeng humahagulgol ngayon. Walang reaksyon ang mukha ko habang tinitignan siya... sila...

Galit ako sakanila pero alam kong ayaw ni Suzanne 'yon, mahal niya sila at kahit gaano siya sinaktan ng mga ito ay papatawarin at papatawarin pa din niya ang pamilya niya.

"Shhh.. Rishii I'm here." Inaalo siya ng asawa niya. Umiiling lang siya at iyak ng iyak. Nakatayo sila sa harap ng kabaong ni Suzanne.

"I'm so sorry Zachea... I'm sorry... I've been a bad sister. H-hindi totoong you're a family wrecker kasi Chea.. ikaw lang ang sumusubok na buuin yung pamilya natin eh. You will always be my little sister and I'm sorry sa mga nasabi ko noon... ate loves you so much." Sabi nito.

Lumipat naman ang tingin ko sa babaeng kamukhang kamukha ni Zan. Nakayakap siya sa kabaong ni Lala Velinda...

I guess she's Suzanne's mom... kanina pa siya umiiyak at paulit ulit na nagsosorry sa mom at anak niya...

Tama nga ... saka mo lang pinahahalagahan at marerealize kung gaano kaimportante ang isang tao o bagay, kapag wala na sila... kapag huli na ang lahat... at nakakagalit yun, sobrang masakit...

Tumayo ako at pumunta sa harap nila. Kailangan ko masabi ang mga gustong sabihin ni Suzanne sakanila bago siya... m-mawala..

Matagal na'ng namatay ang aking kalooban.
Hindi makalaban, kinokontrol ng isipan.
Ngayon, wala nang ibang maisip kundi ang tumakas.
Umalis sa pagkakagapos ng kahayupan at buhay ang katumbas.
Paano kaya ako mamamatay?
Mahuhulog sa tulay?
Masasagasaan ng sasakyan, magkakaroon ng sakit na walang lunas o sa sarili kong paraan?
Mas madugo mas maganda, mas mapait mas masakit.
Bumalik nanaman ang mga ala ala mula umpisa,
Ngayo'y wala nanaman akong tigil umiyak mag isa.
Paano nga kaya pag ako'y wala na?
Saka lang ba sasabihin na ako'y mahal nila?
Pero huli na. Bakit ngayon pa kung kailan ako'y bibitaw na?
Sana lahat ng pagmamahal, malasakit at atensyon ay naramdaman ko noong nabubuhay pa ako.
Hindi yung puro pagsisisi at patawad ang matatanggap ko.
Sumama sa dilim na aking kasangga, noong mga panahong saaki'y walang gustong maniwala.
Kapag nakita mo akong nakahandusay, ang mga labi'y maputla na ang kulay, at ako'y wala nang buhay. Anong gagawin mo?
Paano na kapag gaanon ang nadatnan mo?
Paano na nga ba pag ako'y wala na?

Pain After Nine (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon