Twenty Seven

35 4 0
                                    

Chapter 27

Zachea's POV

Mabilis lumipas ang isang buwan at ngayon katatapos lang ng graduation namin. Nalulungkot ako dahil wala si Lala para sabitan ako ng medals na nakuha ko. Si tita Yumi nalang ang nagsabit ng medal saakin pati kay Maree.

Niyakap niya kaming dalawa. "Congratulations mga anak! Proud na proud ako sainyo!" Nagtatalon sila ni Maree. Habang ako ...

Sana sabihin din sakin ni Mama yan. Nung nakaraan nag email ako sakaniya at sinabing graduation na namin. Gusto ko sana na siya ang magsabit saakin ng medal dahil huling awardings na namin dito sa school na 'to. Pero ano pa bang inaasahan ko? Kung nandito si Lala mawawala agad yung lungkot ko eh. Pero kahit siya wala.

"Huy. Smile naman diyan! Sayang ang make up ni Paminta sayo." Sabay tap ni Maree sa balikat ko. Nakita kong nakatutok na siya sa phone at may katext. Maya maya pa ay nagulat siya nang nilapitan siya si Jaxter.

"Hi Maiah" nakangiting bati nito.

"O-oh hi! Kamusta kana?" Medyo naiilang pa siya pero mukhang ayos naman na sila.

"Pwede ka ba makausap saglit?" Tumango nalang si Maree at umalis sila. Si tita Yumi naman ay nagpunta na sa parking dahil panigurado baka mastuck kami dun sa dami ng sasakyan ngayon.

Napatalikod ako nang may kumalabit sakin. Nanlaki ang mata ko pagkakita kung sino ito?

"Quelton! Antagal nating hindi nagkita ah?" Tumango siya. Nakalagay ang mga kamay niya sa bulsa.

"Oo nga eh.. congratulations saatin." Sabi niya.

"Naisip mo na ba kung saan ka magcocollege?" Tanong ko.

Ngumiti siya ng malaki. "Actually kaya gusto kitang kausapin kasi gusto ko magpasalamat and magpaalam na din." Kumunot ang noo ko. "Both of my parents support me now kung anong gusto ko para sa sarili ko." Napatalon ako nang marinig yun.

"Talaga?! Buti pumayag na din ang mom mo?" Excited kong sabi.

"Yes and bukas na bukas aalis din ako."

"Huh? S-san ka pupunta?"

"I will enter PNPA." Casual na sabi niya. "I will go. Because my heart, my future, and my dreams are there. And also thank you for the advice. I fought and stand for myself at ngayon masaya ako kasi kahit di ko naabot yung isang pangarap ko, sisiguraduhin kong itong isa ay di ko na palalampasin." Halata ang saya sa mga mata niya. Tinap ko siya sa balikat.

"I'm so happy for you." Nginitian ko siya.

"Ikaw din Zachea, please be happy." Sabi nito. Tumango lang ako at sakto dumating sila Maree at Jaxter.

Masiglang tumatakbo si tita Yumi saamin na parang bata. "Nailabas ko na ang kotse doon tayo sa front ng school niyo lumabas. Pero bago yan picture muna kayong apat!" Sabi niya at naglabas ng camera. Ngumiti naman kaming apat at nagpalam na din sa isa't isa.

Napatingin ako sa cellphone ko nang magvibrate ito. Pagbukas ko ng mesaages ay nabasa ko ang text ni Ten.

Howan: Congratulations Zan! I heard you're one of the top students. Keep it up! I'm proud of you. <3

Natuwa naman ako sa nabasa ko. Ang sarap sa pakiramdam na malaman na proud saakin ang ibang tao. Nagtext back ako sakaniya at nagcongratulate din.

Sa huling lingon ko ay nagulat ako nang makitang si Gertrude na ang kausap ni Jaxter. Napatingin din si Maree at ngumiti.

Pain After Nine (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon