Chapter 8
Habang papunta kami sa parking lot kung saan nakapark ang kotse niyang maganda. Na dream car ko din.
“Alam mo nakakatuwa ka.”
“Ako? Bakit?”
“Kasi dinaig pa kita. Hindi ka pala marunong magluto?”
“Nasanay akong tagakain lang eh. Bakit ba?”
“Wala lang. First time ko makakita ng babaeng hindi marunong magluto eh.”
“First time? Bakit hindi lang naman ako ang hindi marunong magluto ah. Pati kaya si Onay.”
“Onay?”
“’Yun ‘yung Rona.Taga- MCU din ‘yun eh.”
Doon na naputol ang pag-uusap naming dalawa.
Pinagbuksan niya ako ng pinto at pagsakay ko sa Montero Sport niya nakatingin lang siya sa akin.
“Pasensya ka na dati ah.”*LubDub. LubDub.* Yaaaah! ‘Yan ka na naman heartbeat. STOP IT!
“H-huh?”
“Alam ko namang mali ‘yung ginawa ko eh.” Sincere ba siya? Totoo to o hindi? Pero mukha namang totoo.
“Kaya ba bumabawi ka?”
“Konti lang.”
“Konti lang?!” Tinaasan ko siya ng kilay. Konti lang talaga? Akala ko pa naman sincere siya.
“No, I mean, let me rephrase. Sincere ako sa pagsosorry ko pero hindi ako bumabawi sa’yo. Okay?”
“Ano yun? Ang gulo mo ah. You’re sincere tapos hindi ka masyadong bumabawi?”
“Not actually. I’m here as your new neighbor and not as Ethan na sinampal mo dati.” Ano ba ‘tong taong ‘to? Dalawa ang katauhan.
“Ambigous reason. Ang labo talaga eh.”
“Pabayaan mo na nga. Ipagluluto pa kita.”
Umalis na kami para makauwi na at maipagluto na niya ako ng carbonara. My favorite! Yum! Yum!
Pagdating naman namin sa aming apartment wala pa ding tao.
“Wala pang tao ah.”
“Baka mamaya pa ‘yun dadating.”
“Close na close talaga kayo noh?”
“Oo naman. Lalo na si Eunice. Siya ‘yung pinakamatagal ko nang kasama eh.”
“Nga pala pwede kang bumisita sa bahay anytime.”
“Bakit naman ako pupunta sa bahay mo?”
“Gusto ko lang.”
“Ayoko nga. Mamaya may gawin ka pang masama sa akin. Alam ko namang type na type mo ko.”
I saw him smirking. Like, WTF?! Bakit ko nga ba naopen ‘yung topic na ‘yun. Ayan, nagiinit na naman ‘yung dugo ko. Parang gusto kong manapak ng tao eh.
Pumunta siya sa may kusina. Ako naman naupo lang sa sala.
Alam niyo kung anong nasa isip ko ngayon?
‘Yung kaninang pagngiti niya.
Paghawak sa kamay ko.
Anak ng fruitshake?! Bakit ‘yun ‘yung iniisip ko?
“Bawal muna magdaydream. Nandito naman ako kaya ‘wag mo na akong isipin masyado.”
“Ikaw iisipin ko? Haha! Asa ka naman.”
“Punta ka na dito. Tuturuan kita magluto.”
Tumayo ako sa kinauupuan ko para magpunta sa kitchen. I’m soooo excited. Kasi matututo ako magluto ng carbonara my favorite. Pero sa totoo lang mas naeexcite akong kumain.
Salita lang siya ng salita ng steps kung paano magluto. Hanggang sa…
Tapos na ‘yung carbonara! Yey!
“Ang bango.”
“Masarap lang talaga ako magluto.”
“Yabang! Pero infair, mukha ngang masarap.”
“Kuha lang ako ng plate natin.” Kukuha na sana ako ng plato at utensils na gagamitin namin kaso bigla niya naman akong hinawakan sa may braso.
“Ako na. Upo ka muna.”
At kagaya ng sabi niya umupo ako. Infair, mukhang may home boy na kami dito. Idagdag mo na lang ang pagiging pogi niya. Jackpot!
Pinatikim niya sa akin ‘yung carbonara niya.
“Say aaah!”Susubuan na sana niya ako ng biglang…
“I’m hooooome!” May sumigaw lang naman. Si Rona.
Pareho kaming nakatitig sa sumigaw.
“Ay may boylet? Akala ko ba no boys allowed dito?” ~ Rona
“May ganong rule?” ~ Ethan
“Ang tagal mo kanina pa kita hinihintay.”
“Teka, pamilyar ‘yang pagmumukha mo ah.” ~Rona
“Huh?” ~ Ethan and I
“Aha! Alam ko na kung sino ka. Ikaw si Ethan Gutierrez di ba?” ~ Rona
“Paano mo nalaman?” ~ Ethan
“MCU?” ~ Rona
“Oh I see.” ~ Ethan
“Huwait?! Kilala mo siya?”
“Oo. Teka, mukhang nakakaistorbo ako. Alis muna ulit ako ah.” ~Rona
“Bakit?”
“May pupuntahan ako. Tsaka nakakaistorbo na ako sa inyo. Osya, enjoy!” Binaba niya na lang ‘yung gamit niya. Hindi pa inayos. Burara talaga non.
After ng pag-alis ni Rona naging awkward na.
“Aaaaawkwaaaard!”
Tumawa lang siya ng malakas.
Ako naman natawa din. Nakakahawa ‘yung tawa niya eh.
Habang kumakain kami. Titig lang siya ng titig sa akin. Ako naman nakatingin lang sa kanya.
At habang kumakain kami tawa lang kami ng tawa. Siguro aakalin ng ibang tao na nakakita sa amin na crazy couple kami.
Teka, crazy COUPLE? YUCK! As in bonggang yuck. No way! Hindi kami couple noh. Asa! Asa siya.
[A/N: Bitin ulit ang update. Mamaya dalawang chapter ulit iupdate ko. Promise! :)]
BINABASA MO ANG
Girls Next Door : NBSB: Nothing Beats Super Belle
HumorGIRLS NEXT DOOR's 1st season. NBSB: Nothing Beats Super Belle. Girls next door is a story of a 4 different girls with the same set of friends na tumira sa iisang apartment. Kanya-kanyang kwento pero iisang grupo. At ang number 1 rule nila hanggang...