Chapter 19
<Belle’s POV>
Habang pababa ako ng hagdanan may tumawag sa akin.
“Belle!” ~ Si Joyce na hingal na hingal.
“Bakit?”
“Kanina pa kita tinatawag hindi ka man lang lumilingon.” ~
“Ganon ba? Sorry.”
“May problema ba?” ~
“Wala noh.”
“Nga pala, tapusin mo nga pala ‘to.” ~
“Para saan ‘to?”
“Sa school paper. Teka, di ba kilala mo si Rona? ‘Yung BA student?” ~
“Ah, oo. Bakit?”
“Pakisabi ipasa niya din bukas ‘yung ganyan niya. Bigyan niya din ng kopya ‘yung editor-in-chief.” ~
“Sige. Sasabihin ko.”
“Salamat!” Umalis na ako para sana magpunta sa library. Magreresearch pa kasi ako about sa report ko.
Gabi na ng nakaalis ako sa university. Tinapos ko pa kasi lahat ng dapat gawin. And thank God I’m done!
*Ring. Ring.*
Phonecall from Rona…
“Hello?”
“Saan ka?” ~ Rona
“Sa puso mo! HAHA.”
“Sira! Ang tagal mo kaya noh. Gabi na uwi na.” ~
“Opo, Inay.”
Pinatay ko na ‘yung tawag. Sabihin pa non inuubos ko ‘yung load niya.
Anyway, naglalakad pa din ako hanggang ngayon. Walking distance lang kasi ang mga universities namin.
Ng biglang umulan ng malakas. Medyo basa na ako.
“Gabi na ah.”
Pamilyar ‘yung voice. Is that Ethan? Yes that’s him.
“Ginagawa mo dito?”
“May binili lang ako. Sabay ka na?”
“Sure.”
Sabay kaming naglakad papunta sa bahay namin. Pinayungan pa niya ako.
“Pwede ko bang mahiram ‘yung phone mo?” ~
“Bakit?”
“Sige na.”
Binigay ko sa kanya ‘yung phone ko.
May kinalikalikot pa siya. Ano kayang ginagawa niya?
Binalik na niya sa akin ‘yung phone.
“Dami mo palang dala. Akin na nga ‘yan.”
Kinuha niya ‘yung mga gamit na dala-dala ko.
Gentleman, huh? Impressive.
Habang dala-dala niya ‘yung mga gamit ko bigla niyang hinawakan ‘yung kamay ko.
*LubDub. LubDub.*
Tinignan ko siya. Nagsmile naman siya sa akin. Hawak-hawak niya ‘yung kamay ko habang naglalakad kami.
“Salamat ah.” Hiya naman ako. Syempre magpapasalamat ako sa pagsama niya sa akin.
“Wala ‘yun. Sabihan mo ko pag gagabihin ka para masamahan kita. Dami pa naman siraulo dyan sa tabi-tabi.”
“Oo nga. Kasama ko na nga ‘yung isa eh.”
Nakarating na kami sa bahay.
Nakaupo lang si Rona sa labas.
“Kaya naman pala ginagabi.” ~ Rona| With matching smirk pa ‘yan at nakatingin siya sa kamay namin ni Ethan.
Agad-agad kong binitawan ‘yung kamay niya.
*LubDub. LubDub.* Naririnig niya kaya ‘yung heartbeat ko? ‘Wag naman sana. Oh juice ko. Hindi ko na alam kung ano talagang meron sa akin at ganito ‘yung nagiging reaction ng puso ko.
“Nagkita lang kami sa daan.”
“Nakuuu. Belle, ‘wag ka na maglihim hindi naman ako ‘yung nanay mo.” ~Rona
“Totoo naman eh.”
“Osiya, pasok na, anak.” ~ Rona
“Salamat ulit ha?”
“You’re welcome, babes. Bukas na lang ulit.” ~ Ethan
Nagsmile na lang ako.
“Pasok!” Parang nanay lang makautos ah.
Pagpasok ko nakatingin si Rona sa akin.
“Saan galing?” Nakapamewang pa siya habang nagtatanong. Para namang may ginawa akong kasalanan.
“Sa school lang po.”
“Bakit ginabi ka?”
“May niresearch.”
“Ay, may pinadala ba sa’yo ‘yung Joyce? Nasa kanya kasi ‘yung paperworks ko.”
“Meron. Ito oh. Sabi niya magbigay ka ng copy kay Binaca(editor-in-chief ng school paper namin[kunwaring name lang]).” Inabot ko sa kanya ‘yung kailangan niyang papers.
After ko magbihis naalala kong may ginalaw galaw nga palang kung ano sa phone ko si Ethan.
Tinignan ko ‘yung phone ko…
Message…
Calendar…
Notes…
May bagong note.
[ Sa library bukas, babes. Samahan kita magreview malapit na midterms eh. Tapos sabay tayo maglunch. – Ethan]
Napasmile na lang ako. I have to be ready. Mukhang may date kami bukas ah.
[A/N: Bukas na din ang update. I'm so sorry. May headache ako eh.]
BINABASA MO ANG
Girls Next Door : NBSB: Nothing Beats Super Belle
HumorGIRLS NEXT DOOR's 1st season. NBSB: Nothing Beats Super Belle. Girls next door is a story of a 4 different girls with the same set of friends na tumira sa iisang apartment. Kanya-kanyang kwento pero iisang grupo. At ang number 1 rule nila hanggang...