Chapter 10 <3 <3 <3
<Ethan’s POV>
After ng ilang minutong pananahimik. Nagsalita na si Belle.
“Nakokonsensya ka ba sa mga babaeng pinapaiyak mo?” Syempre hindi. Wala akong pakialam sa kanila noh. Pero alam kong hindi nila magugustuhan kung ganoon man ang sasabihin ko sa kanila.
“Oo. Kaya lang hindi ko na maibabalik ang past. Kailangan na nating mabuhay sa present.”
“Dapat magsorry ka pa din sa kanila kasi nakasakit ka.” ~ Rona
“I feel sorry about what happened.”
“Don’t worry hindi naman kayo iiyak na kagaya nila dahil hindi naman kayo maiinlove sa akin.” Except for that Belle Santiago who slap me sa harap ng madaming tao.
Tumingin lang si Belle sa akin. Parang ang dami niyang tanong. Pero hindi niya naman sinasabi sa akin.
“Laro tayo!”
“Laro?” Sabay-sabay nilang tanong.
“May boardgame ako sa apartment ko. Kunin ko lang.”
“Sige.” ~ Belle
Pumunta na ako sa apartment ko par asana kuhanin ‘yung boardgame ko.
Pagpasok ko nakasalampak pa din sila sa sofa. ‘Yung iba naman nasa sahig nakahiga.
“Ito na!” Tinaas ko ‘yung boardgame na dala ko.
“Wow! Monopoly! Bagay ‘to sa akin.” ~ Rona
Tumingin sa kanya ‘yung tatlo.
“Bagay?”
“Yep. Involve ang money dito eh.”
Naglaro lang kaming lima sa loob ng apartment. Parang bading ako na nakikipaglaro ng Barbie doll pero wala naman akong magawa dahil kailangan na palaging nasa tabi ni Belle at isagawa lahat ng mga plano ko.
“Kami ni Belle.”
“Huh?!”
“Magkakampi tayo.” With killer smile pa ‘yan na sobrang nakakainlove.
Natapos ang paglalaro namin at …
“Panalo ako!” Sigaw ni Rona.
“Uy, gabi na pala.” ~ Eunice
“Oo nga eh.”
“Magluluto na muna kami ni Regz.” ~ Eunice
“Maghihilamos lang ako.” ~ Belle
“Sige.”
Kami lang ni Rona ang naiwan sa sala.
Tahimik lang siyang nagbabasa sa laptop niya.
Hanggang sa pagbalik ni Belle na pinupunasan ‘yung basa niyang buhok…
She looks so amazing. Mukhang maiinlove ako sa babaeng ‘to ng di oras ah.
Pero it’s a NO. Dahil para sa akin isa lang siyang toy na dapat pinaglalaruan.
Natapos ang dinner namin na tawa ng tawa si Belle. As usual siya ang dakilang taga-hatid ko.
“Uhm, Ethan…”
Humarap ako sa kanya.
“Sino ka ba talaga?”
“Huh?”
“Ugh! Nevermind. Pasensya na. Sige, pasok na ako.”
Hinila ko siya papalapit sa akin.
*SMACK*
Woah! Ang lakas ng kabog ng dibdib ko don ah.
Biglang bumilis ‘yung pagtibok.
And holy sh*t! I can’t resist. She’s really irresistible kaya hindi ko napigilan ‘yung sarili kong halikan siya.
Pareho lang kaming nakatitig sa isa’t isa.
“I’m sorry.”
“A-ah. S-sige pasok na ko.”
Pumasok na siya sa loob ng bahay nila. Ako naman nasa labas lang.
Nakatulala pa din. Napailing na lang ako at hindi ko alam kung bakit nakangiti ako habang papasok sa apartment ko.
[A/N: Belle!!!! Ayan na ‘yung inaasam-asam mong first kiss! HAHA.Mamula ka. Mamula ka! Alam mo bang habang nagsusulat ako nakasmile ako. Walangya! Kinikilig akoooo! Kayo? J]
BINABASA MO ANG
Girls Next Door : NBSB: Nothing Beats Super Belle
HumorGIRLS NEXT DOOR's 1st season. NBSB: Nothing Beats Super Belle. Girls next door is a story of a 4 different girls with the same set of friends na tumira sa iisang apartment. Kanya-kanyang kwento pero iisang grupo. At ang number 1 rule nila hanggang...