Chapter 27
<Belle’s POV>
“Oy, onay! Bangon na. Ligpitin mo ‘yung mga kalat mo.”
“Mamaya na. Inaantok pa ako eh.”
Inantay ko siyang bumangon sa kama niya. Ang kalat na kasi nung side niya. [A/N: Scenario sa bahay ‘to.]
After an hour binalikan ko si Rona na nakahiga pa din.
“Oy! Ayusin mo na ‘yung mga gamit mo.”
“Mamaya na.”
Hanggang sa pabalik balik na ako at ‘yan at ‘yan lang ng sinasabi ko.
Umupo muna ako sa sofa para sana manuod ng TV ng biglang…
Now Playing: Beautiful in my eyes – Jericho Rosales [A/N: Pangit ‘yung isang pangyayari eh. Kaya ayan ulit ang pinakamamahal na kanta ni Belle. HAHA]
Lumabas ako ng bahay at nakita ko si Ethan na may dalang gitara at stereo.
Teka lang ah! Hihinga lang ako. Kinikilig ako eh.
Dalhin niyo na ako sa ospital. Magkakaheart attack ako.
*LubDub. LubDub.*
Hindi pa din ako makahinga sa sobrang kakiligan. Nakakaloka!
“Ang aga-aga ang lakas magpatugtog.” Si Rona na nagkakamot pa ng ulo.
“Hindi ka pa naghilamos.” ~ Eunice
“Maganda naman ako kahit bagong gising eh.”
“Maganda ka dyan.” ~
“Aaaaay! Si Papa Ethan! Hinaharana ka? Nakakalokaaaa! Kinikilig na ako masyado ah!” ~ Rona
“’Wag ka ngang sumigaw.”
“Oo nga. Panira ng moment teh!” ~ Regine
“Eh sorry naman. Kinikilig lang.”
Hanggang sa sumabay na si Rona sa pagkanta. Kaming tatlo nila Eunice, at Regine. Nakatulala lang habang si Rona halatang kinikilig.
Hindi pa din nagsisink in sa akin na hinaharana niya ako.
Anubey?! Ikaw kaya kiligin dito.
Natapos na ‘yung kanta niya at lumapit sa akin na may dalang roses.
“Babes, sorry kahapon ah. Hindi ko kasi alam na ayaw mo pala ng ganon.” ~ Ethan
“Teka lang ah! Masyado na akong kinikilig sa inyo. Aalis na muna kami. Let’s go, girls!” ~ Rona
“Oo nga. Magmonument muna kayo dyan. Babush!” ~Regine
“Naisipan mo’t nangharana ka?”
“Gusto ko lang magsorry kahapon.”
“Wala ‘yun noh. Ayoko lang talaga kasi ng ganon.”
“Sabi nga ni Rona.”
“Pasensya na din kahapon ah. Nasira ko tuloy ‘yung moment mo.”
“Wala ‘yun. Ahm, can I ask you a question?”
“Sure. Ano ‘yun?”
“Pwede ba kitang maging date sa ball?”
“Oo naman syempre.”
Naglakad lakad kami para makapasyal naman sa lugar namin. Madalang kasi akong lumabas dahil hindi naman ako gala. At nasa bahay lang din palagi ‘yung mga kaibigan ko.
*Arf! Arf!*
“Uy, may aso!” ~ Ethan
“Ang cuuuuute!”
“Kanino kaya ‘yan? Mukhang nawawala eh.”
“Hindi ko alam. Dalhin kaya natin sa police station?”
“Buti pa nga.”
Nagpunta kaming police station. Habang naglalakad kami hinawakan niya ‘yung tali ng aso at sa kabilang kamay niya ay nakahawak siya sa kamay ko.
HHWW ang peg namin.
*LubDub. LubDub.*
Ayan na naman ‘yang heart beat ko. Ngayon alam ko na kung bakit. Kasi kapag kasama ko ang taong ito lumalakas ang tibok ng puso ko. At siya ang dahilan ng pagtibok nito.
Lumapit ‘yung mukhang sosyal na babae sa amin.
“Holy golly, Holly! I’ve been searching you since yesterday. Saan ka ba galing?” Kinausap niya ‘yung aso.
Hinarap niya kami.
“Thank you so much you found my dog.”
“W-wala po ‘yun.” So siya pala ang may-ari sa asong ito. At ang ganda ng pangalan ni dog ah. Infair! Holly golly.
“Siya ba ang girlfriend mo, hijo? Bagay kayo.”
“Salamat po.”
Nagsmile na lang ako sa babae. Nakakaloka! Totoo o totoo? Bagay daw kami. Kilig naman ako don.
Pagkahatid niya sa akin humarap siya…
“Bagay daw tayo.” ~ Ethan
“Kinilig ka naman don?”
“Syempre oo.” ~
“Suuus!”
“Baka hindi ka makatulog dahil don sa sinabi nung babae ah.”
“Baka ikaw.”
“Nakuuu. Osiya, alis na ko. Goodnight. I love you, babes.”
“I love you, too.”
Umalis na siya at hinalikan ako sa cheeks. Ganyan ka ba talaga magpakilig ha. Ethan?
Natapos ang araw na ito na nakangiti ako. Pakiramdam ko kasi ang saya-saya ko.
‘Yung feeling na tatalon ‘yung puso mo kasi nandyan na sa tabi mo ‘yung taong gusto mong makasama habang buhay.
BINABASA MO ANG
Girls Next Door : NBSB: Nothing Beats Super Belle
HumorGIRLS NEXT DOOR's 1st season. NBSB: Nothing Beats Super Belle. Girls next door is a story of a 4 different girls with the same set of friends na tumira sa iisang apartment. Kanya-kanyang kwento pero iisang grupo. At ang number 1 rule nila hanggang...