[A/N: Last update for today. 'Yan lang ulit ang nakaya ko. Bukas update ulit. Promise! :) ]
Chapter 12
Hanggang sa 4:30 na ng umaga. Crap! May pasok ako ngayon dahil Monday na naman. At wala akong tulog dahil napuyat ako dahil sa lalaking ‘yon! Nakuha na niya ‘yung first kiss ko. Shoots! Bakit ganito ‘yung feeling? Parang sasabog ‘yung puso ko.
Kagabi pa ganito ‘yung pagtibok eh. Hindi ko mapigilan.
“Goooooodmoooorning people!”
“Ang ingay mo, Belle!” ~ Rona
“Aga mo magising ah.” ~ Eunice
“Hindi ako masyadong nakatulog eh.”
“May problema ba?” ~ Eunice
“Wala naman.”
“WEH?!”
“Oo nga.”
Naligo na ako at nagbihis at kumain ng breakfast. Masyadong responsable ‘yung mga kasama ko eh.
Pinagluto pa nila kami ng breakfast.
Papalabas na sana ako ng biglang may nagbukas ng pinto.
*Boog* ~ Tumama lang naman ‘yung ulo ko sa pinto.
“OUCH!” Natumba ako. At pagtingin ko sa nagbukas ng pinto nakita ko ang gwapong gwapong face ni Ethan.
Yuck! Erase. Erase. Hindi gwapo. Okay?!
“Sorry.” Hinawakan niya ako sa braso para sana itayo pero ang init ng feeling.
At sa pagtouch niya sa balat ko parang may kumuryente.
Kaya napaatras ako.
“Buti naman hindi ka pa nakakaalis. Sabay ka na sa akin.”
“Ahm.. Kasi…”
“Aga niyo maglambingan ah.” ~ Rona| *LUBDUB. LUBDUB.* ‘Yan nanaman si heartbeat.
“Gising ka na pala.”
“Hindi, Belle. Tulog ‘yan. Tulog.” ~ Eunice
“Nyeh! Nyeh! Kakapanuod mo ‘yan kay Vice eh.”
“Nakakatawa kaya siya. Di ba Rona?” ~ Eunice
“Oo nga naman.” ~ Rona| Nagapir pa ‘yung dalawa.
Tinignan ko si Ethan na tatawa tawa lang.
“Let’s go?”
“Parang baliw ‘yung dalawang ‘yun.”
“Nakakatuwa nga sila eh.”
“Teka, naisipan mo?”
“Saan?”
“Kasi sinabay mo ko.”
“From now on lagi na tayong sabay sa pagpasok.”
“Bakit?”
“Wala lang. Gusto ko lang.” Pinagbuksan niya ako ng pinto para makapasok sa kotse niya.
Habang papunta kami sa university walang nagsasalita. Siguro masyado lang naging awkward dahil sa nangyari kagabi.
Haaay. Ayan na naman ‘yang kaganapan na nangyari kagabi.
Pagdating namin sa university ang daming nakatingin sa amin.
“Siya na ba ‘yung bagong girlfriend ni Ethan?”
Biglang hinawakan ni Ethan ‘yung kamay ko. Gusto ko sanang magpumiglas pero wala akong magawa dahil mas malakas siya sa akin.
“Bagay sila kaso…”
“I pity her. Tsk. Tsk.” ‘Yan na naman ‘yang pity her na ‘yan.
Pagdating namin sa classroom biglang andyan na naman ‘yung mga nagbubulungan.
Nakita ko si Joyce na nakakunot ang noo.
Bakit?
“From now on, I declare this girl, na hawak hawak ko ang kamay na sa akin.”
With matching nakataas talaga ‘yung kamay ko n’yan. Pinakita niya na magkaholding hands talaga kami.
Yaaaah! Ano ‘yan?! Bigla akong bumitaw sa pagkakahawak ng kamay ko sa kamay niya.
Tumingin ako kay Ethan. “Anong sinasabi mo?”
“Kunwari pang ayaw gusto naman pala.”
“Oo nga eh. Malandi naman pala ‘yang babaeng ‘yan eh.” WTF? Ako malandi? Pigilan niyo ko. Reresbakan ko to.
Nagwalk out na lang ako sa classroom. Masyado akong binibigyan ng stress ng lalaking ‘yan. Nung una, ‘yung pangiinis niya. Kagabi ‘yung halik. Tapos ngayon ‘yung mga taong nakapaligid nagbago ang tingin sa akin.
BINABASA MO ANG
Girls Next Door : NBSB: Nothing Beats Super Belle
HumorGIRLS NEXT DOOR's 1st season. NBSB: Nothing Beats Super Belle. Girls next door is a story of a 4 different girls with the same set of friends na tumira sa iisang apartment. Kanya-kanyang kwento pero iisang grupo. At ang number 1 rule nila hanggang...