Chapter 30
Finale
<Ethan’s POV>
Ano ba ‘tong ginawa ko?
Kung kailan naman alam ko na kung anong gusto ko sa buhay tsaka ba nawala.
Karma na ba ‘to?
Ito na ba ‘yung resulta ng mga ginawa ko noon?
Pwede bang ‘wag na lang si Belle?
Pwede bang iba na lang?
Buong magdamag akong hindi nakatulog.
Pakiramdam ko nga nababading na ako kakaiyak eh.
Pero hindi ko talaga kayang pigilan.
At hindi ko din kakayaning mawala ang pinakamahalagang tao sa buhay ko.
Pumunta ako sa apartment nila Belle.
*Knock. Knock.*
“Oh, Ethan.”
“Nandyan ba si Belle?”
“Umalis siya eh. Baka next month na lang daw ulit siya babalik.”
“Huh? Nasaan siya? Kailangan ko siyang kausapin.”
She gave a deep sigh.
“Ethan, mahal ka ni Belle. Sobra. Dahil siguro ikaw na din ‘yung first niya. Pero sana nilayuan mo na lang siya kasi alam mo naman masasaktan siya. I warned you pero anong ginawa mo? Mygawd, Ethan! We trust you. Belle, trusted her heart. Pero anong ginawa mo? You broke it.”
“No, Rona. I love Belle. I love her so much. All I wanted to do is to explain everything. Hindi ko siya kayang mawala sa akin.”
Kinwento ko sa kanya lahat. Simula sa plano ko.
“Then, patunayan mo.”
<Belle’s POV>
Ganito ba talaga ang masaktan?
Ganito ba talaga kapag nahihirapan ka?
Sobra-sobrang bigat ang nararamdaman ko.
Na parang pinagsasakluban ako ng langit at lupa?
Sana pala hindi na lang siya ang minahal ko.
Para hindi na ako nasasaktan ng ganito.
Hindi ko na napanindigan ang No to distraction rule.
Nagmahal ako.
Nasaktan.
Nadistract.
Kung noon walang nakakatalo sa akin.
Ngayon masasabi kong isa akong talunan.
Talunan sa pag-ibig.
Dahil natalo na ako ni Ethan.
“Anak, may problema ba?” Si daddy. Umuwi siya galing Macau.
At kaya dito muna ako magstay dahil sa kanya.
At dahil na din kay Ethan.
Ayoko siyang makita.
“Wala po.”
Ayokong sabihin dahil wala na akong magagawa.
Dahil alam kong tapos na ang lahat.
Ang saya na dinulot sa akin ni Ethan ay puro kasinungalingan lang.
BINABASA MO ANG
Girls Next Door : NBSB: Nothing Beats Super Belle
HumorGIRLS NEXT DOOR's 1st season. NBSB: Nothing Beats Super Belle. Girls next door is a story of a 4 different girls with the same set of friends na tumira sa iisang apartment. Kanya-kanyang kwento pero iisang grupo. At ang number 1 rule nila hanggang...