Chapter 22

148 2 0
                                    

Chapter  22

<Ethan’s POV>

What the hell was that?! I so hate that girl. Damn! Kamuntikan niya nang mabangga ang pinakamamahal kong sasakyan.

Kasi naman natetempt talaga akong halikan siya. Nakakabadtrip lang dahil sa kamuntikan na ngang mabangga ‘yung sasakyan ko hindi pa ako nakascore sa kanya.

Pag-uwi ko sa bahay nagpalit ako kaagad ng damit at humiga.

Pero hindi talaga ako makatulog.

Ano bang ginawa sa akin ng babaeng ‘yun at iniisip ko ‘yung nangyari kanina.

Pakiramdam ko umiinit ‘yung ulo ko kasi sa totoo lang bitin na bitin ako.

At syempre inaalala ko pa din ang pinakamamahal kong sasakyan.

Paano na lang kung nabangga ‘yun?

Eh di yari na naman ako kay Daddy nyan.

Sa lahat kasi ng ayoko ‘yung hinahawakan nila ‘yung CRV ko.

Ang dami na kasing nagtangkang sumira sa iba kong sasakyan dati eh.

At lahat sila nagtagumpay nung panahong bumigay ‘yung Toyota Corola ko.

Pakiramdam ko nga gumuho ‘yung buhay ko nun eh.

Pakiramdam ko kasi nawalan ako ng kaibigan.

At dahil ‘yun sa mga babaeng obsessed at galit sa akin.

Bakit kasalanan bang maging gwapo?!

Sila nga ‘tong may kasalanan dahil umaambisyon silang magustuhan ko.

Hello naman. Mataas ang standards ko sa mga nagiging babae ko noh.

Hindi ako pumapatol sa mga babaeng walang K.

Alam niyo na kung anong ibig sabihin non.

Ayoko lang sabihin dahil for sure masasaktan sila.

Yuck! Hindi bagay sa akin na nagkecare sa ibang tao.

Selfish ako eh. At gustong gusto kong may umiiyak na babae sa harapan ko.

At konting effort na lang iiyak na din ang babaeng dapat akong iyakan.

Walang iba kundi si Belle Santiago.

Ang babaeng nagpahiya sa akin sa maraming tao.

Big deal sa akin ‘yun dahil natapakan ang pinakamamahal kong pride ng isang babaeng ngayon ko lang nakilala.

Sino ba siya kumpara sa akin? At kumpara sa mga babaeng nakarelasyon ko na.

Sabagay, lahat naman sila hindi seryoso.

Dahil hindi sila dapat sineseryoso.

Ang mga babae dapat pinaglalaruan.

Liwanagin ko lang. Walang problema sa family ko. At mas lalong hindi ako nasaktan noon.

Ayoko lang talaga sa mga attitude nila.

Mga nagger at ipagpipilitan ang kung anong gusto nila.

Gawd! They’re all getting into my nerves.

But I can’t get rid of them kasi ang sarap lang talaga nilang paglaruan, pagtawanan at paiyakin.

[A/N: I can't make you hate Ethan. Kahit ako eh. Hindi ko kayang magalit sa isang napakagwapong nilalang. HAHAHA. Mamaya na lang yung last update ko for this day. Pagpahingahin niyo naman ako. Tsaka 'yung video announcement mamaya na din. :) ]

Girls Next Door : NBSB: Nothing Beats Super BelleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon