Chapter 2
2nd day pa lang ng klase umuulan na kaagad. Pahirapan tuloy sa pagpasok. Ang layo kaya ng Bulacan dito noh. Tapos hindi ko pa din kasabay si Onay. ~ Referring to Rona.
Until now kumukulo pa din ang dugo ko don sa lalaking ‘yun. ‘Yung Ethan na ‘yun. Ang laki n’yang sayang. Gwapo na ang pogi pa ng pangalan. Pero kahit na. Ang pangit pa din ng ugali niya.
Oh, well, papabayaan ko na lang muna siya. Mukhang wala naman kasing ibubuga. Coconut!
Pagpasok ko nandoon na lahat ng classmates ko. Ano ‘yan?! Excited pumasok lahat?
Umupo ako sa vacant seat. Ang mahiwagang upuan na inupuan ko kahapon. At ang katabi ko?! Walang iba kundi ‘tong Ethan na ‘to.
“Good morning, babes.” Napakunot ang noo at tumaas ang blood pressure ko sa sinabi niya.
Humarap ako sa kanya. I gave my sweetest smile at nagroll ako ng eyes.
“Ang aga-aga ang sungit mo. Pangit ba ang gising mo dahil hindi natapos ‘yung dream mo about sa atin?”
“Yuck! Kadiri ka din noh?! Asa ka namang mapanaginipan kita. Kung mapanaginipan man kita hindi dream ang tawag doon. NIGHTMARE. NIGHT. MARE.”
Tumawa siya. Sa tawa na ‘yun sobrang naasar ako. Tumayo ako para magpunta sa CR.
Pero hinawakan niya ‘yung kamay ko.
“PMS-ing?!”
“WTF?! Ano ba?!” Tinanggal ko ‘yung kamay niya sa akin. Nakakainis na! Hindi na carry ng powers ko. Anytime, sasabog na ako.
Pagbalik ko ng room nandoon na din ‘yung teacher. Nakasmirk pa din si Mr. Ethan. Pag sinasabi ko ‘yung pangalan niya kahit sa isip lang nakakaramdam ako ng pangingilabot. Yay! *goosebumps*
“Ang tagal mo naman, babe.”
“Ganyan ka ba talaga mambwisit?”
“I just want you to notice me.”
“Alam mo Mr. Ethan whatever ‘wag mo na akong tatawaging babes dahil hindi kita type. Sa totoo lang kinikilabutan ako sa’yo.”
“Baka naman sign ‘yan ng pagkagusto mo sa akin?”
*Laugh* ~ I can’t get rid of it. I burst out laughing.
Napatingin silang lahat dahil sa pagtawa ko.
Kasalanan mo ‘to eh.
“Sorry.” ~ sabi ko sa lahat. Kahiya kaya noh!
“What? Inlove? Sa’yo?”
“Hell, yeah. You’ll see, babes.”
“Babes mo mukha mo!” Syempre mahina lang ‘yang conversation na ‘yan. Malamang sa malamang mahuhuli kami kapag malakas di ba?
“Alam mo nakakatawa ka.”
“Bakit?”
“Ang pangit mo tumawa.”
“Ang pangit ng mukha mo.”
“Ang dami kayang nagkakagusto sa akin.”
“Ano naman sa akin?”
“Baka mamaya maging isa ka sa kanila.”
“You wish!”
“Huh! Let’s see.”
“Huh! Never!”
We took our first quiz sa 2nd subject namin. Ang math. Ugh! Bilis noh? Ganyan talaga.
Tinignan ko ‘yung paper ni Mr. typhoon at …
*Duuuuug* ~ malakas na malakas na thunder
*goosebumps*
Mas mataas ang nakuha niyang score sa akin?! Woah!
Habang nakatulala ako sa paper niya.
“Impressive, right?”
“W-what?”
“Ayos ba?”
“Huh?”
“’Yung score ko. That’s for you, sweetheart.”
“Sa’yo na ‘yang score mo noh. Tsamba lang ‘yan for sure.”
“You’ll see.” He’s grinning. And from that grin I got goosebumps. Oh no!
Ito na ba talaga ang umpisa ng laban? Bakit parang natatakot ako? Dahil bas a magaling sa Math ang mokong na ‘to? Hindi. Hindi pwedeng matakot si Crystal Belle Santiago sa lalaking ito. Umpisa pa lang ‘yan. At wala sa dictionary ko ang salitang takot. O c’mon! This is Belle Santiago. And Nothing Beats Super Belle.
BINABASA MO ANG
Girls Next Door : NBSB: Nothing Beats Super Belle
HumorGIRLS NEXT DOOR's 1st season. NBSB: Nothing Beats Super Belle. Girls next door is a story of a 4 different girls with the same set of friends na tumira sa iisang apartment. Kanya-kanyang kwento pero iisang grupo. At ang number 1 rule nila hanggang...