Chapter 24
<Belle’s POV>
I want to start my day with a smile yet I really can’t. Mygawd! Why am I like this?
You’re impossible Ethan!
Pagpasok ko sa room namin may nakita akong roses. Schooldays na naman. Ugh!
“From secret admirer?”
“Ano ‘yan?” ~ Ethan
“Galing sa’yo?”
Umiling lang siya.
“Eh kanino naman kaya galing ‘to?”
“Wala bang nakalagay?” ~
“Magtatanong ba ako kung meron?”
“Bakit ba ang sungit mo?” ~
“You don’t care…”
“Jerk.” I whispered. Umupo na ako para sa first subject namin.
Hindi ko maiwasang hindi mag-smile dahil sa nakatanggap ako ng bouquet of roses.
Kinikilig ako eh.
I saw Ethan na nakatingin lang siya sa akin. Hindi ko pa din siya kakausapin. Akala niya ah.
<Ethan’s POV>
Nakatanggap lang ng flowers grabe na makangiti.
Nakakainis ah! Bilhan pa kita ng ilang ganyan eh.
Grr. Sino kayang epal ‘yang nagbigay nyan?
“Binigyan lang ng flowers hindi na maalis ang ngiti.” ~ Bulong ko.
“May sinasabi ka ba?”
“Wala.” ~
After a minute hindi ko maiwasang hindi maalis ‘yung tingin sa kanya.
Naiinis ako. Bakit ganon?
Selfish nga ako di ba? O c’mon! Wala lang ‘to.
Gusto ko lang talaga na ako lang ang poporma kay Belle.
Nagseselos ba ako?
What the?!
Ano bang ginawa nitong si Belle na ‘to sa akin at nagkakaganito ako ngayon?
Nakakaasar!
After ng klase namin hindi ko na kinaya.
Hinila ko siya palabas.
“Aray naman, Ethan! Ano ba?!”
“Bitawan mo nga ‘yan!”
Tinapon ko ‘yung bouquet na hawak hawak niya.
Wala akong pakialam kung pinagtitinginan kami ng tao.
Ang gusto ko lang malaman nila na akin na si Belle.
Mahirap bang intindihin ‘yun?!
“Ano bang problema mo ha?”
“Problema? Madami. At isa ka na don!” ~
“Isa na ako don? Bakit anong ginagawa ko sa’yo?”
“K-kasi… ” Sht! Bakit bigla akong napipi? Hindi ko masabi.
“Kasi ano?” ~ B
“Aish! Wala. Itapon mo na ‘yang flowers na ‘yan. Bibilhan na lang kita.”
“Hindi ko kailangan ng flowers mo.” ~ B
“Bibilhan ka na nga ayaw mo pa.”
“Sinira mo kasi ‘yung first na flower na natanggap ko eh. Dyan ka na nga!” ~B
“Tara na kasi.” Hinila ko siya palabas ng university.
Wala siyang magagawa dahil mas malakas ako sa kanya.
Dinala ko siya sa isang flower shop.
“Oh, Ethan.” Si Manang Julie.
“Manang, roses nga po. ‘Yung fresh ah.”
“Sige. Teka lang.” Kumuha na si Manang Julie ng mga bulaklak.
“Kilala mo ‘yung tindera?” ~ B
“Oo. Dito ako bumibili ng flowers para kay mommy.”
“Bakit?” ~ B
“Wala lang. Regalo ko sa kanya minsan.” Syempre sweet ako sa mommy ko kahit mahilig akong magpaiyak ng mga babae.
“Eh bakit mo ko binilhan?”
“K-kasi…”
“Kasi?”
“Wala lang. Gusto ko lang.” ‘Yun lang ba talaga? Hm…
“Ito na, hijo.” ~ Binigay ni manang ‘yung roses na sinabi ko.
Pumunta na kaming sasakyan pero hindi pa din siya nagsasalita.
It’s very unusual dahil madaldal ‘tong isang ‘to eh.
“May problema ba?” ~
“Huy!” ~
“Wala.” Padabog niyang sabi. Mukhang may problema ‘tong isang ‘to ah.
Hinayaan ko na lang siya hanggang sa…
“Uhm, Ethan…”
“Yes?”
“Sino ‘yung kasama mo kahapon?”
“Ah, pinsan ko ‘yun. Bakit?”
“Wala. Ang daya mo kaya kahapon hindi ka man lang namamansin.”
“Kasi nakakainis eh.”
“Nakakainis? Sino? Ako? Bakit hindi ko naman kasalanan na kamuntikan ng mabang--”
I kissed her. Gawd! Her lips were so soft. I can feel that she kisses back. And with this kisses that we both shared for a moment. I can tell that this girl I’m kissing is the girl I want to be with the rest of my life.
Kaya ako nagseselos kasi gusto ko siya.
Kaya hindi ako makaresist o makatanggi kapag nagpapacute siya.
Kaya gusto ko siyang nakikita araw-araw.
Kaya gusto ko siyang alagaan kapag kailangan niya ng mag-aalaga sa kanya.
Mukhang sa pagkakataong ito natalo na ako.
Natalo na ako ng tadhana.
At natalo na ako ng isang babae minamahal at mamahalin ko.
Huminto ako para pigilan ang sarili ko.
Juice ko! Hindi ko kakayanin ang susunod na mangyayari kapag nagpatuloy pa ‘to.
“Belle, I love you.” At last nasabi ko na ang dapat kong sabihin.
Malinaw na sa akin ang lahat.
Na si Belle Santiago na kinaaasaran ko noon ang siyang taong kailangan ko sa buong buhay ko.
Belle can beat me. Siya ang taong nagturo sa akin kung paano magmahal.
[A/N: Kilig kayo noh? Kaso bitin? Sorry ulit. Hindi ako magaling magdescribe ng kisses. Hehe. Bukas na lang ang video announcement ko ah. Last update for today. Babush!]
BINABASA MO ANG
Girls Next Door : NBSB: Nothing Beats Super Belle
ComédieGIRLS NEXT DOOR's 1st season. NBSB: Nothing Beats Super Belle. Girls next door is a story of a 4 different girls with the same set of friends na tumira sa iisang apartment. Kanya-kanyang kwento pero iisang grupo. At ang number 1 rule nila hanggang...