[A/N: Any suggestions? Gusto ko lang malaman 'yung gusto niyo para dito sa story. Pero sana 'wag niyong pangunahan ang imagination ng mga author. I'm not sure kung kaya kong mag-isa magsulat eh. Kung aabutin ng imagination ko. Hehe. Pero nandyan naman 'yung mga characters like Belle, Eunice, at Regine. Totoo sila. They're my best-est friends. Pero 'yung mga guys. I don't know. Pero sana. :) ]
---
Chapter 3
*Ring. Ring.*
A phone call from Eunice woke me up. Pasaway.
“Hello?”
“Kumusta na?”
“Antok pa ko, Eunice.”
“Hehe. Hindi naman kita tatawagan ng walang dahilan noh.”
“Oo nga. So, what’s with the phone call?”
“Sabi ko kasi kay Inay ko na gusto kong lumipat ng bahay malapit sa university namin ni Regz tapos malapit na din ‘yun sa university niyo.”
“Wow! Good idea, girly. Sabihin ko kay mama mamaya. Kita tayo bukas?”
“Friday bukas di ba?”
“Oo. At madami lang naman akong ikekwento sa inyo.”
“Sige. Try ko.”
“Sige. Ingat sweetie.” Next thing I heard is that sound *toot.toot.*
Bumangon na ako dahil 4:30 na. At kailangan kong umalis ng 5 o’clock sa bahay. Hassle noh? Pag-uwi ko sa kama agad ang bagsak ko dahil sa pagod.
Nakita ko si mama na nagpeprepare ng breakfast. (A/N: Hi Tita! HAHA. J)
“Good morning, ma!”
“Oh, mukhang masaya ka yata?”
“Pwede ba akong magdorm?”
“DORM?!” Medyo nabulunan si mama sa sinabi ko. Sana payagan ako. *crossfingers*
“Opo. Kasama ko naman sila Eunice eh.”
“Pag-iisipan muna namin ng papa mo ‘yan.”
“Sige po.”
After ng conversation namin ni mama nagshower na ako. Daily routine ko na ang pagbabasa ng news paper para updated ako sa paligid ko, pagligo at magpaganda.
Mabilis akong nakarating sa pupuntahan ko. Ang university ko. Haay. College na talaga ako. At ayoko sa schedule ko. Kahit nasa iisang school lang kami ni Onay hindi pa din kami madalas nagkikita. Namimiss ko na ‘yung tatlong kagandahan.
Oh I forgot! The reason why Eunice called is about that apartment.
Sweeties:
Sweeties, tomorrow @ chowking near BSU. 3:30 PM.
I send it at habang naglalakad at nagtetext ako ay biglang naistorbo ang pagmumulti tasking ko.
“Waaaaaaaah!”
A bunch of people lang naman ang sumalubong sa akin. Mygawd! Calm down people! ‘Wag niyong pagkaguluhan ang beauty k—
“Hi, babes.”
“WTF?! Ikaw na naman?”
“Ayos ba ‘yung mga fans ko?”
“Fans mo? Ikaw may fans? Anak ng fruitshake! Ano ka celebrity?”
“Oy, sino ‘yun? Babes nga tawag sa bebe ko eh.” ~ a fan
“Oo nga eh. Baka bago niyang biktima.” ~ fan
“Siguro nga. Haay. I pity her.”
Iba ‘yung accent nung babae. Obviously, trying hard magsisipagenglish. Tsaka anong biktima? I don’t get it.
“Tara na?”
“Anong tara na?”
“Sa classroom. Sabay tayo. Ayaw mo?”
“Ayoko. K?”
“Fine.”
Habang naglalakad ako binilisan ko ‘yung lakad ko. Syempre with poise. Bawal mawala ‘yan.
Nafefeel ko pa din ‘yung presence ni Ethan na nasa likuran ko.
Hinarap ko siya.
“Are you following me?”
“Why would I do that?”
“Aba! Malay ko sa’yo.”
“Parehas lang naman tayo ng daan kasi pareho lang tayo ng classroom.”
Toinks~
Oo nga noh. Pahiya ako doon ah.
*Ting!* ~ Lightbulb
“Baka naman sinusundan mo talaga ako? Ayaw mo lang aminin.”
“Ha-ha! Ikaw? Susundan ko? Bakit maganda ka ba?”
“Anak ng fruitshake?! Oo maganda ako! At hindi tayo bagay kasi pangit ka.”
Umiling-iling na lang siya. Baliw!
Habang papunta kami ng classroom marami akong nakitang nagbubulungan. Actually, I heard them all.
“Ay, siya na yata ‘yung bago.”
“Nako, mukhang hindi niya pa alam kung saan ang kalalagyan niya ah.”
“Oo nga eh. Kawawa naman siya.”
“Sana ‘wag siyang mabulag d’yan sa lalaki na ‘yan.”
“Sayang ‘yung ganda niya. Tsk. Tsk.”
Are they referring to --
“’Wag mo na lang silang pansinin.”
“Anong pinagsasasabi mo?”
“They’re referring to you.”
“So?”
“Akala nila tayo.”
“And they pity me? Bakit?”
Nagkibit balikat na lang siya. Walangya! Ayaw pa kasi sabihin kung bakit eh. Oh, si Ethan panget nga pala is dito siya nag-high school. At sabi nila sikat daw ‘to dito. It means siya ‘yung sinasabi ni Joyce. Tss. Pangit naman pala eh. Kasi nga ang YABANG niya. And I hate it. I hate him. Paulit-ulit.
BINABASA MO ANG
Girls Next Door : NBSB: Nothing Beats Super Belle
HumorGIRLS NEXT DOOR's 1st season. NBSB: Nothing Beats Super Belle. Girls next door is a story of a 4 different girls with the same set of friends na tumira sa iisang apartment. Kanya-kanyang kwento pero iisang grupo. At ang number 1 rule nila hanggang...