Chapter 9
<Ethan’s POV>
So far so good ang plano ko. Buti na lang at sila pala ‘yung bago kong kapitbahay.
Sa totoo lang hindi ko talaga alam na sila ‘yung bagong lilipat na katabi ng apartment ko.
At dahil sa malapit na ang bahay ko sa bahay nila mas madali kong maisasagawa ang plano ko.
Pero alam niyo hands down ako sa mga kaibigan niya. Sobrang babait eh.
Ewan ko kung totoong kaibigan nila ‘yung babaeng ‘yun.
Pero infairness, mukhang ayos naman din siya.
At madali siyang mauto. Akalain mo ‘yun? Mukhang bumibigay na sa plano ko.
I should tell this to them. I’m referring to my friends.
“Pare, guess what? May bago akong kapitbahay.”
“Oh talaga? Maganda ba?”
“Kilala mo nga ‘yung bago kong kapitbahay eh.”
“Talaga? Sino?”
“Si Belle Santiago. Remember?”
“Ah, ‘yung babaeng matapang?”
“Yes. At first day pa lang mukhang bumibigay na.”
“Iba talaga karisma mo, pare!”
“Syempre. This is Ethan Gutierrez and no one can beat me.”
“So, what’s your plan?”
“Wala pa. Pero iisa lang naman ang patutunguhan nito. Ang maiinlove siya sa akin from head to toe just like other girls.”
“Well, goodluck na lang ang masasabi ko. I know you can do it, bro.”
“Of course. Osya, bye na.”
Binaba ko na ‘yung call. Dumiretso na ako sa apartment ko.
Nabobored na naman ako. I need someone to play with. At mukhang alam ko na kung saan ako pwedeng makipaglaro.
Pumunta na ako sa apartment nila Belle.
<Belle’s POV>
“Girl, tignan mo ‘to.” It’s Rona. Nagcocomputer kasi siya ngayon. At naghahanap ng kung anu-anong bagay sa internet. Bonding time namin ngayon dahil rest day namin pare-pareho.
“Oh, ano ‘yan?”
“Blog about kay Ethan.” ~ Rona
“Anong meron dyan?” ~ Regine
“For you who is Ethan Gutierrez?” ~ Rona
“Isa sa pinakamayaman, gwapo, at matalinong nilalang na sinasamba ng mga kababaihan. Pero para sa akin siya ang pinakawalangyang lalaki sa balat ng lupa. Isang lalaking walang puso. Babaero at mahilig manakit ng kapwa. Selfish at walang sinasanto. Isa siyang dyablo sa MCU. Isinusumpa ko siya dahil sa mga kag*guhang ginawa niya lalong lalo na sa mga babaeng pinaiyak niya.” ~ Rona
“Sobrang laki ng galit ah.” ~ Eunice
“Sa pagkakaalam ko totoo ‘yan. Behind his angelic face demon ‘yung ugali niya. Madami pa nga dito eh.” ~ Rona
BINABASA MO ANG
Girls Next Door : NBSB: Nothing Beats Super Belle
HumorGIRLS NEXT DOOR's 1st season. NBSB: Nothing Beats Super Belle. Girls next door is a story of a 4 different girls with the same set of friends na tumira sa iisang apartment. Kanya-kanyang kwento pero iisang grupo. At ang number 1 rule nila hanggang...