Chapter 14
<Ethan’s POV>
Saturday ngayon at wala kaming pasok ni Belle. Yayayain ko kasi siyang mamasyal kaya nandito na ako ngayon sa harapan ng bahay nila.
*Knock. Knock.*
Si Rona ‘yung nagbukas ng pinto. Nakauniform siya. May pasok nga pala siya ngayon.
“Tulog pa si Belle.” ~ Rona
“Ganon ba? Sige. Hihintayin ko na lang siya.” ~ E
“Tutal nandito ka na. Can I talk to you?”
“Sure. About ba saan?”
She gave a deep sigh.
“Ok. Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. I just want to say na wala akong tiwala sa’yo. Lalong lalo na dahil sa reputation mo. If you want to play with Belle you better leave her alone. Don’t make this hard for her. She’s not a toy to play with. Kapag nainlove siya sa isang katulad mo masasaktan siya ng sobra dahil alam kong hindi ka naman talaga sincere sa kaibigan ko. Ayokong maging miserable siya. Ayokong magalit siya sa mundo. Ayokong kasuklaman niya ‘yung mga bagay na minahal niya dati. Kaya sana ingatan mo siya at ‘wag na ‘wag mo siyang sasaktan.”
May point ‘tong babaeng ‘to. Tapang din niya ha? Straight to the point ba naman sabihin ‘to sa akin. Astig!
“Osiya, aalis na ako. Malelate na ko eh. Bye.” Umalis na siya. Pinapasok naman niya ako bago siya umalis kaya nandito ako sa sofa. Nag-iisang nakaupo at naghihintay sa tulog na tulog na si Belle.
If you want to play with Belle you better leave her alone.
She’s not a toy to play with.
Ayokong kasuklaman niya ‘yung mga bagay na minahal niya dati.
Kaya sana ingatan mo siya at ‘wag na ‘wag mo siyang sasaktan.
Nadidinig ko pa din sa isip ko ‘yung sinabi ni Rona.
Bakit parang nakokonsensya ako?
Hindi kaya dahil sa ginagawa kong ‘to may posibilidad na mainlove ako kay Belle?
Paano na ‘yung plano ko?
Itutuloy ko pa ba ‘to?
Syempre naman oo.
Hello! Ako kaya si Ethan Gutierrez.
At never akong magpapatalo sa laro ng tadhana.
Karma?
Psh! Para sa mga duwag lang ‘yun.
At hindi ako duwag.
Awa?
Wala din ako nyan.
Lalo na sa babaeng ‘to. Baka nakakalimutan mo na ‘yung ginawa niya sa’yo? Napahiya ka. Kaya dapat lang to sa kanya.
“Goodmorning sweeties!” Sigaw ni Belle galing sa kwarto.
Paglabas niya ng kwarto nakita niya ako at halatang nagulat siya.
“Ang aga mo namang mambulabog.”
“Kasi yayayain sana kitang lumabas.”
“Ng ganito kaaga?”
“Mamaya pa sana ako pupunta kaso maaga akong nagising eh.”
“Iniisip mo ko noh?” *LubDub. LubDub* Hala! Bakit biglang lumakas at bumilis naman ‘yung tibok ng puso ko? Kakaiba ‘tong babaeng ‘to. First time lahat. ‘Yung pagpapahiya at pagsampal niya. Ngayon naman ‘yung sa puso ko.
“H-hindi noh!”
“Hindi?” Umiling iling pa siya sa akin.
Patay! Nawawala na ko sa sarili ko! Nababaliw na yata ako eh.
Nawala ‘yung pagiging babaero at bolero ko dahil sa babaeng ‘to.
“I mean, hindi ka maalis sa isip ko.” Woohoo! Nakalusot.
Pumasok na siya sa CR para siguro maligo.
Hindi na nagpaalam?
Pero nakita ko siyang ngumiti bago pumasok sa CR.
Bakit ngumiti ‘yun?
Gumagana na kaya ‘yung mga plano ko?
O baka naman natuwa lang siya sa sinabi ko?
Hindi kaya naiinlove na siya sa akin?
O baka naman may naisip lang siya ng kung ano?
Ah, kahit na ano pa ‘yan. Malakas ang kutob ko na konti na lang bibigay na siya.
BINABASA MO ANG
Girls Next Door : NBSB: Nothing Beats Super Belle
HumorGIRLS NEXT DOOR's 1st season. NBSB: Nothing Beats Super Belle. Girls next door is a story of a 4 different girls with the same set of friends na tumira sa iisang apartment. Kanya-kanyang kwento pero iisang grupo. At ang number 1 rule nila hanggang...