"Hey son! Are you okay?" mom asked. She was telling me about something but suddenly stopped talking as she noticed I was not paying attention to her. Honestly, wala akong naintindihan sa mga sinabi niya.
"Yes mom? You're saying something?" I asked, afraid that she'd get mad at me.
"Earth to Gabo. Oh, please!" mom sighs. "As I was saying....."
I actually stopped listening to mom when I saw her. After one week, I saw her again. This time, simple lang yung suot niya. Nakablouse and pants lang and I can see that she's more comfortable with flats.
Kaya lang.....
She's with the same old man na nakita ko sa restaurant. The one she kissed when she arrived. I sighed. I just couldn't imagine na pumatol siya sa matandang yon. Pero, sobrang naku-curious talaga ako sa kanya kaya naman ilang gabi rin akong hindi nakatulog ng maayos because I kept thinking about her.
"Mom, wait. I'll just use the rest room." I said then stood up.
To be honest, I really don't need to go to the rest room. I just want to know where they're going. Pasimple ko silang sinundan then I saw them enter a bookstore kaya naman pumasok din ako doon.
Nagkunwari pa nga akong naghahanap ng books na bibilhin. Nakita ko yung old man na huminto somewhere malapit sa counter at mukhang napagod kakalakad. Sinenyasan niya yung girl as if telling her to continue where she's going at ganoon nga ang ginawa nung babae. Nagkaroon ako ng chance kaya naman sinundan ko kung saang shelf siya pupunta.
There I saw her making an extra effort to reach for a book na hindi niya maabot. Then here I am, making my move at nilapitan siya. Inabot ko yung book and I examined it. Sociology yung title. Sa tingin ko ay nag-aaral pa siya. When I looked at her, nakatingin lang siya sa'kin na parang puzzled sa ginawa ko.
"Bibilhin mo rin?" tanong niya na nakaturo sa libro. I got to look at her face. She's really pretty.
"Nope. I just saw you struggling to get this. I just got it for you." inabot ko sa kanya yung book and I know it surprised her. Pogi points earned, men. Hehe.
"Thanks!" sabi niya at tsaka ngumiti. Nagpacute pa. Tsk.
"Darling, nandito ka lang pala."
Pareho kaming napatingin sa lalaking nagsalita at nakita namin yung matanda na nasa bungad ng shelf. Hindi ko alam pero parang kumulo yung dugo ko bigla pagkakita ko sa kanya.
"Sige ah. Salamat ulit." sabi nung babae sabay lapit dun sa matanda.
"Sino yon?" tanong nung matanda habang nakatingin sa'kin. Ayos ah. Ayain ko kaya 'to ng suntukan, tingnan ko lang kung lalaban? Pero siyempre joke lang yon. Haha. Hindi ako tinuruan ni mommy at daddy na maging bastos sa mga matatanda.
Nilingon lang ako nung babae pero hindi na nito sinagot yung tanong ng kasama niya tsaka sila nagsimulang maglakad palayo sa'kin.
There, I was left dumbfounded. Hindi pa rin ako makapaniwalang pumatol siya sa lalaking yon. Eh parang kasing-age lang nun yung eldest brother ni mommy eh. And speaking of mommy. Shiit! Nakalimutan ko, kasama ko nga pala si mommy! Lagot na.
Pagbalik ko sa table namin ni mommy, nakita ko agad na nakasimangot siya. Shoot. Nakakita lang ng babae nawala na si mommy sa isip ko. Mom won't forgive me if she knew. Tsk.
"I'm sorry mom. Dont be mad. Bati na tayo." sana naman umepekto ang pagpapacute ko sa kanya. Inirapan niya lang ako. Patay na. Galit talaga.
"Mom, sorry na please. May nakita kasi akong familiar na mukha. Akala ko classmate ko dati." nagawa ko pa talagang magsinungaling. Kapal ko rin e no? Well, totoo namang may nakita akong pamilyar na tao. Minus the classmate thing.
BINABASA MO ANG
My Kind of Girl
RomanceMinsan kahit anong taas ng standards mo wala kang magagawa kapag tinamaan ka ni kupido. Enjoy reading! :)