Nang makabili na ako ng pagkain ay umakyat na ako sa floor kung saan naka-confine si Mr. Villago. Dumaan muna ako C.R. para siguraduhing maayos ang itsura ko. Alam ko namang walang pakialam si Gayle kung ano man ang maging itsura ko dahil hindi naman din niya ako mapapansin. Parang ang pathetic lang ng lagay ko. Tsk.
Nang marating ko ang kwarto ni Mr. Villago ay hindi muna ako pumasok. Kailangan kong mag-ipon ng lakas ng loob kaya huminga muna ako ng malalim at tumingin kung may tao sa paligid. Mabuti na lang at ako lang ang nandito dahil mukha akong tanga. Unti-unti kong bibuksan ang pinto pero natigilan ako nang bigla kong maring ang iyak ni Gayle.
"Why are you crying? Hindi pa naman ako patay ah." biro ni Mr. Villago.
"I... I thought you're sleeping." si Gayle.
"Paanong hindi ako magigising eh ang lakas ng atungal mo diyan? Ano bang nangyari?" kalmadong tanong nung matanda kay Gayle. Hindi naman ito sumagot at mas lalo lang umiyak. "Ssssshhhh. Tahan na, darling. Kanina ka pa iyak ng iyak." narinig kong sabi ni Mr. Villago kaya hindi muna ako pumasok at nanatili lang akong nakatayo sa labas ng pinto.
"B-buntis si Beth. M-magkakaanak na silang dalawa." hindi pa rin tumitigil si Gayle sa pag-iyak. Tama ang hinala ko. Alam kong nasaktan siya sa nung malaman niyang magkakaanak sila Dave at Beth.
"Sabi ko na nga ba at siya na naman ang dahilan ng pag-iyak mo. Hindi ka naman kasi talaga iyakin eh. Ang sabi mo ay buntis ang nobya niya?"
"Not only that. They are getting married. Akala ko okay na'ko eh. Masakit pa rin pala." sabi ni Gayle habang nagpipigil ng iyak. Pakiramdam ko ay pato ako ay nasasaktan din para sa kanya.
"I know it hurts so much, sweetheart. But you have to accept that he's not the one for you. You deserve someone who will love you for what you really are. That Dave is a coward, you know. Walang-wala siya kamachohan at katapangan ko. Hahaha." biro pa nung matanda at natawa naman si Gayle.
"Mas bata naman siya sa'yo. Hahaha." banat naman ni Gayle at narinig ko na lang ang malakas na tawa nung matanda.
"Loko kang bata ka ah. Bakit hindi mo na lang aminin na may asim pa 'ko? Hahaha."
"Hahahaha. Thank you. Gumaan yung pakiramdam ko. Thanks lolo." sabi ni Gayle na garalgal na naman ang boses.
Lolo? Tinawag ba talaga niyang lolo si Mr. Villago o nagkamali lang ako ng dinig?
"Wow. First time mo'kong tawaging lolo ah. Ang sarap pala sa pandinig na igalang ka ng kaisa-isa mong apo. Haha." sagot ni Mr. Villago. Apo? Tinawag siya ni Gayle na lolo at tinawag naman niya itong apo? So........ What the heck?! All this time, ang akala ko ay magkarelasyon sila pero ang totoo ay maglolo silang dalawa? Gusto kong sapakin ang sarili ko sa pagkakataong 'to. I'm so stupid! Kung anu-ano pa naman ang sinabi ko kay Gayle tapos mali pala ang akala ko. Shiit! Hindi ko alam kung may mukha pa akong ipapakita sa kanya. Isasara ko na sana ng tuluyan yung pinto nang.....
"Wag ka nang magtago diyan. Pumasok ka na." narinig kong sabi ni Mr. Villago.
"Huh?" si Gayle.
"Nandiyan yung Tabo." a-ano raw? Tabo naman ngayon. Tsk.
"Tabo? S-si Gabo?" nagtatakang tanong ni Gayle at naramdaman ko na lang na tuluyan nang nabuksan ang pinto habang nakatayo sa harap ko ang babaeng pinakamaganda sa paningin ko.
"Gabo? K-kanina ka pa ba diyan?" kunot ang noong tanong ni Gayle.
"I-I'm sorry. Hindi ko sinasadyang marinig yung usapan nyo." nakayukong sabi ko.
"Okay lang. Pasok ka." sabi ni Gayle sabay tingin sa dala ko. "Pasalubong?" nakangiti pang sabi nito. Namamaga pa rin ang mga mata niya pero mukha namang mas okay na siya kesa kanina.
"Ah, yep. Baka kasi hindi ka pa kumakain kaya naisip kong magdala ng food." pumasok na ako tsaka nilapag ang dala kong pagkain sa isang table malapit sa kama ni Mr. Villago. Pagtingin ko sa kanya ay nakita kong ang ganda ng ngiti niya.
"Napakagwapo mong bata, Pabo." sabi pa ni Mr. Villago sa'kin.
"Hindi po Pabo! Gabo sabi ang pangalan niya!" naiinis na pagtatama ni Gayle sa lolo niya.
"Hahahahaha. Sorry Gabo. Gabo, Gabo, Gabo. Hindi Pabo. Hahaha." siguro kung hindi ko pa alam na lolo ni Gayle si Mr. Villago ay nasapak ko na 'to. Hahaha.
"Pasensya ka na sa lolo ko Gabo ah. Feeling niya kasi ay cool siya sa ganyang asta niya." sabi ni Gayle tsaka lumapit sa'kin at bumulong. "Feeling niya kasi ay teenager pa rin siya." sabi niya at natawa ako.
"Ano bang sinasabi mo diyang bata ka? Baka sinisiraan mo na 'ko diyan sa nobyo mo ah." sabi ni Mr. Villago at pareho kaming natigilan ni Gayle. "Oh, bakit? Hindi ba kayo magnobyo?"
"H-hindi po sir." nahihiyang sabi ko.
"Ang daldal mo kasi masyado." sermon ni Gayle sa lolo niya at natawa lang ito. Ganito ba talaga silang dalawa mag-usap? Sa totoo lang, hindi sila mukhang mag-lolo sa paraan ng pakikipag-usap nila sa isa't isa.
"Nakakatuwa po pala kayo. Ngayon lang kasi ako nakakita ng kagaya nyo." nakangiting sabi ko sa kanila at ginantihan din naman nila ako ng ngiti.
Tumawa muna si Mr. Villago at tsaka muling tumingin sa'kin. "Hindi kasi talaga marunong gumalang ang batang yan. Ngayon nga lang ako tinawag na lolo niyan, sa totoo lang . Hahaha."
"Wow. Sino kaya ang masama ang ugali sa'ting dalawa?" banat naman ni Gayle.
"Tingnan mo nga! Hindi na talaga niya ako ginalang. Tsk tsk." pigil ang tawang sumbong ng lolo niya. Sa totoo lang ay masarap sa pakiramdam ang makita silang nagkukulitan. Ganyan din kasi kami ni mommy. Haaaaay. Bigla ko tuloy na-miss si mom. Sana maging okay na kaming dalawa para makapagkulitan at lambingan na rin kami.
"Parang ang ganda po ng samahan nyo bilang mag-lolo. Nakakatuwa po kayong pagmasdan." sincere na komento ko sa kanila.
"Hahaha. Mukhang gusto mo rin yatang maging apo ko eh." banat na naman ni Mr. Villago.
Halos wala na kaming ginawa kung hindi ang magtawanan. Malakas ang sense of humor ni Mr. Villago at talaga namang masarap siyang kausap. I can say na mas naging comfortable ako sa kanilang dalawa. Minsan ay naiisip ko pa rin yung katangahan ko pero lagi namang sinasabi ni Gayle na wag ko nang isipin at kalimutan ko na lang ang tungkol sa maling akala ko sa kanila ni Mr. Villago.
BINABASA MO ANG
My Kind of Girl
RomanceMinsan kahit anong taas ng standards mo wala kang magagawa kapag tinamaan ka ni kupido. Enjoy reading! :)