Chapter 8

21 0 0
                                    

Saturday.

Two weeks after the party and everything's still clear to me. And until now, hindi pa rin kami okay ni mom at hindi pa rin siya tumitigil sa pagseset ng blind date para sa'kin. Nakakailang date na ba 'ko? Ewan ko. Nakakabwisit lang kapag naaalala ko yung mga nangyayari sa date na yon.

At ngayon, ito na naman. Panibagong date na naman. Nagsasawa na ako sa paulit-ulit na set up na 'to. Kung hindi lang dahil sa nahihiya akong pag-antayin sa wala yung babae ay hindi talaga ako sisipot.

Five minutes na akong naghihintay pero wala pa rin yung ka-blind date ko. Medyo naiinip na ako kaya nagdecide na'kong mag-order ng makakain. Habang tumitingin sa menu ay...

"Gabo?" I heard someone said so I looked at where the voice came from.

WOW. Nasa harap ko ang isang napakagandang babae. Maganda ang height at katawan at talaga namang mapapa-second look ka kapag nakita mo siya. Umupo siya sa upuan na kaharap ng sa akin.

"I'm Denise. Your date." nakangiting pagpapakilala niya at nag-alok pa ng shakehands.

"Hi. Gabo." sagot ko then took her hand.

Agad na kaming nag-order at ilang sandali lang ay nai-serve na yung food namin. Very sophisticated si Denise at kitang-kita yon kung paano siya kumilos sa harap ko. Masarap din siyang kausap dahil pareho kami halos ng mga hilig gawin. I must admit that I actually enjoy her company. Mataas ang confidence niya at magaling din siyang magpatawa.

Nang matapos na kaming kumain ay nag-aya siyang pumunta sa ibang lugar. Habang nasa kotse, nagulat na lang ako nang bigla niyang ipatong ang kamay niya sa hita ko. Nung una ay hindi ko pinansin dahil baka naman naging at ease na siya sa'kin kaya wala nang malisya yun.

Maya-maya pa ay bigla na lang niya akong hinalikan sa leeg dahilan para bigla kong itabi ang kotse sa isang gilid tsaka nagtatakang tumingin sa kanya.

"So, you like it here? Hindi ka na ba makapaghintay na makahanap tayo ng place?" parang nang-aakit na tanong niya at lalong kumunot ang noo ko.

"W-what?"

"Hey. I like you and I can see that you're attracted to me too. Come on Gabo, this is what people do once they clicked on their first date." natatawang katwiran pa niya at talaga namang nagsalubong ang mga kilay ko.

"What are you talking about?" naiinis na tanong ko. I really can't believe she's saying all these things to me right now.

"Wag ka ngang masyadong pakipot! Yung mga tingin mo kanina, alam kong yun din ang gusto mo. So, I'm giving you a great deal here. We can go somewhere private, you know." sabi niya tsaka muling hinalikan ang leeg ko at huli na nung nakaiwas ako. "Ano ba?! Diba galing ka sa US? Eh liberated ang mga tao dun ah? Anong nangyari at ganyan ka? Or else....baka naman bakla ka?!!" naiiritang sigaw niya sa'kin.

"Makaluma ako pagdating sa bagay na yan. Yeah, I stayed in US for 5 years but it doesn't change the fact na conservative ako pagdating sa sex. Ako ang lalaki at ako ang magdedecide kung dapat bang gawin yan o hindi. And let me tell you this, hindi natin gagawin yan. Hindi ngayon, hindi bukas o sa susunod na mga araw."

"I can't believe this." natatawa kunwaring sabi niya pa habang nakatingin sa labas ng bintana. Buti na lang at walang masyadong sasakyan kung nasaan kami ngayon dahil baka kung anong isipin sa'min.

"Ihahatid na kita." sabi ko at ini-start na uli ang sasakyan tsaka nagsimulang magdrive.

Tahimik lang kami habang nasa byahe. Nakasimangot siya at alam kong hindi siya natuwa sa mga sinabi ko. Well, hindi rin naman ako natuwa sa ginawa niya. Masyado siyang aggressive at ayoko ng ganon. Kahit na may mga naging flings ako ay hindi kami umabot sa puntong yon. Kahit talamak sa US ang ganon ay nanatili akong conservative tungkol diyan kaya talagang nakakaturn-off na ang babae pa ang nag-iinitiate na gawin yon.

My Kind of Girl Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon